Ramdam ko ang tingin ng ibang taong nandito sa canteen dahil ito ang unang beses na sumabay sa ibang tao ang magpinsang ito. Lagi lang kasi silang dalawa ang magkasama, hindi mapaghiwalay.
"Ma'am tikman niyo po 'to" masayang sabi ni Kadynce at nilagyan ng pagkain ang plato ko.
"K.." saway ng pinsan nito.
"What? " Nagtatakang tanong naman ng isa. Nagtitigan sila at parang nag-uusap gamit ang mata lang.
" Uhmm...kumain na tayo" pagputol ni Jasmine sa kung ano mang ginagawa ng dalawa.
" Sorry for the unrighteous demean, Ma'am. " Kadynce smiled at us.
Parang nawala agad ang tensyon sa pagitan nilang dalawa kanina dahil sa pagtitigan.
Thayer cleared her throat. " Let's just eat"
Nagkatinginan pa kami ni Jas bago nagpatuloy sa pagkain. Napapatanong tuloy ako sa sarili ko. Sino ba talaga ang teacher saaming dalawa? Feeling ko mas matured pa siya mag-isip saakin eh.
Hindi ka naman talaga matured!
Sabagay, kailangan ko lang kasi talagang magpapanggap na strict ako para matakot din saakin ang mga estudyante ko. Tsaka hindi sa edad binabase ang maturity! May mga sitwasyon naman na kailangan kong maging matured.
Best actress na nga ako eh!
" Hi Kadynce."
"Hi Thayer"
Bati ng mga students na napapadaan sa table namin. Ngumingiti lang sila saamin ni Jasmine at mukhang nahihiya silang iaaproached kami.
Napatingin ako sakanya at seryoso lang ang mukha nito habang kumakain. Maya't maya pa ay umangat ang tingin nito dahilan para magtagpo ang mga mata namin. I clenched my fist under the table para kontrolin ang kilig na nararamdaman ko sa simpleng tingin niya.
Balewalang umiwas lang ako pero deep inside gusto ko ng sumigaw at lumukso sa sobrang tuwa. Ang hirap talaga magpigil ng kilig!
" Excuse me everyone.." lahat kami ay napaangat ang tingin sa nagsalita. I mentally rolled my eyes when I saw Grace Navarro standing just a half meter away from us.
"Hi Ma'am" pansin sakanya ni Kadynce na ikinangiti niya.
" I just want to talk to Thayer.." saka bumaling sa kaharap ko. Seryoso lang din ang mukha nito habang nakatingin kay Grace. " Maaga ang practice natin ngayon dahil may lakad ako mamaya. Okay lang ba?"
Psh! Sabihin niya lang na gusto niyang masolo si Cervantes.
I really hate her to the bones!
" It's okay Miss Grace" sagot naman ng isa. Para naman akong nawalan ng gana nang tumayo na ito at inayos ang tray niya. Tapos narin pala siyang kumain.
Hindi nalang ako umimik at pinagpatuloy nalang ang pagkain. Narinig ko nalang ang paalam nila bago umalis sa table namin at doon na ako umangat ng tingin. Nakita ko pa kung paano pasimpleng hawakan ni Grace ang siko ni Thayer habang naglalakad papalabas ng Canteen. Mukha tuloy silang couple sa lagay nila.
Napaisip ako, bakit ba hindi ko siya makalimutan? Alam ko rin namang kahit kelan hindi niya ako mapapansin bilang ako kundi bilang professor niya lang. Hindi naman ako umaasa pero minsan hindi ko mapigilang hindi magdasal na sana magustuhan niya rin ako gaya ng pagkagusto ko sakanya.
Ang dami namang gustong maging Girlfriend ako pero ni isa wala akong inintertain dahil ayaw kong lokohin ang sarili ko.
If I can just unlike you Thayer, matagal ko ng ginawa. Pero hindi ko maintindihan ang sarili na kahit alam kong walang chance, gustong-gusto ko pa rin siya. Siya pa rin ang hinahanap ng mata ko. Hindi ko pa rin skahit anong gawin ko. Jusko lord! Ibigay mo nalang siya saakin, magpapakabait na talaga ako.
BINABASA MO ANG
Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED|
RomanceSERIES 2 ProfxStud relationship