Chapter 28

15.8K 666 112
                                    

Today. Today is the day. The day of my awaited day. Day of new beginning. The day of my birthday!

Kaya talaga paulit-ulit ang day kasi masaya ako dahil birthday ko ngayon.



" HAPPY BIRTHDAY!!!! 🎉🎉"

Bati nila nang papababa ako ng hagdan. Malapad na napangiti akong lumapit sakanila. Isa-isa kung niyakap sila Mama, si Gem, si Bunso at si bestfriend.

Mamaya pa darating ang mga bisita ko. Actually, si Kadynce, Gianna at of course ang baby ko ang ininvite ko. Akala ko kasi hindi niya alam na birthday ko pero noong nasa apartment kami ay sinabi niyang malapit na daw akong tumanda. Kainis talaga siya minsan. Sarap lunorin ng halik.

Naalala ko 'yong sinabi ko sakanya. Natawa ako sa reaction niya na parang hindi makapaniwala. Of course walang nangyari saamin. Binibiro ko lang talaga siya.

We make out. Yes. Pero hanggang doon lang. Pareho kaming may kontrol sa sarili.

Sinamahan ako ni Jasmine na mamalengke. Tapos dumaan pa kami sa grocery store para bumili ng iba pang kakailanganin. Ang dami tuloy naming dala. Mabuti nalang may sasakyang dala si Jas. Dumaan pa kaming mall para bumili ng pang decorate. Pati bagong kurtina at table cloth dahil nga mayayaman ang mga bisita ko. Nakakahiya naman.  Hindi ko alam kung matutuloy sila Thea. Basta sure ako na pupunta si Tiffany.

"Tulungan ko na kayo" agad na lumapit saamin si Gino at tinulungan kami sa mga dala namin papasok ng bahay. 'Yong iba binalikan nalang namin.

"Ikaw magluluto ng spaghetti?" Tanong niya saakin habang dito kami sa kusina.

"Hindi si Mama. Malay ko ba don?" Natawa naman siya.

"Paano kung mag-asawa kabna? Tapos wala kang alam sa pagluluto"

Napaikot ang mata ko. " O.A. spag lang hindi ko alam lutuin. "

"Ay oo nga pala. Wife material ka na"

Agad na napangiti ako dahil naalala ko na naman ang naging usapan naming dalawa doon sa kwarto ko.

Ang ganda ng mga names na naisip niya. Sobrang overwhelmed ako. Maeffort siya pumili ng names. Gusto niya may meaning ang bawat pangalan na ibibigay niya. I don't know if my meaning ang name niya, matanong ko nga minsan.

"Parang tanga naman 'to!" Sigaw ni Jas.

"Ano na naman!" Inis na tanong ko.

" Kanina ka pa parang naiihi sa kilig. Sabihin mo nga! Virgin ka pa ba!"

Lumuwa ang mata ko sa sinabi niya. "OA mo ulit. Kinikilig lang eh."

"Malay ko bang sinuko mo na pala ang bataan?"

" Gago!"

"Teacher ka ba talaga? Grabe ka magmura!"

"Tao rin naman kaming mga teacher ah."

She just mocked me.

"Nagmumura ka rin naman ah" sikmat ko.

" Syempre lahat na ata ngayon nagmumura"

Kahit sumapit na ang tanghalian ay hindi pa rin kami tapos. Syempre kami-kami lang naman nagluluto eh. Hindi kami mayaman kaya wala kaming katulong.

"Anak nandito na ang bisita mo!" Sigaw ni Mama.

Nagkatinginan kami ni Jas. Ang aga naman ata?

"Ma. Si—"

" Hi Ma'am!!" Biglang sumulpot si Gianna sa likod ni Mama. Mabilis na lumapit ito saakin at niyakap ako. Agad na lumayo ako dahil pawisan ako.

Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon