1 year later....
Giselle
Habang tahimik na nakahiga ako sa kama dito sa loob ng kwarto ko ay narinig kong may kumatok.
"Ate bumaba ka na. Kakain na daw sabi ni Mama" rinig kong tawag ni Gemini sa labas ng kwarto ko.
Napabuga ako ng hangin bago bumangon.
" Sige. Susunod ako" sabi ko.
Niligpit ko muna ang mga gamit ko. Nagdrawing kasi ako kanina at hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Napatingin ako sa orasan at eleven na pala ng tanghali.
Naging libangan ko na ang ganito. Gigising para tumulong kay Mama sa gawaing bahay at magpapahinga. Hindi ako masyadong pinapatrabaho ni Mama.
" Okay ka lang nak?'' tanong ni Mama nang makarating ako sa kusina. Nakangiting tumango naman ako. Laging ganyan si Mama saakin simula nang....mangyari 'yon. Lagi niyang tinatanong kung okay lang ako, kung anong pakiramdam ko. Masaya ako na hindi nila ako iniwan at pinabayaan.
Kumain na rin kami. Sabado ngayon kaya walang klase ang mga kapatid ko. Isang taon na akong hindi nagtatrabaho as a teacher. Noong dalawang buwan palang ako tuluyang naging okay. 6 months akong nasa isang psychology facility then 4 months akong pabalik-balik sa psychologist ko. Mas makakatulong daw saakin kung kasama ko ang pamilya ko habang patuloy ang therapy ko. Effective naman siya. Kahit papaano.
Tapos na kaming kumain at nasa sala na ako dahil si bunso ang pinahugas ni Mama nang kinainan namin para daw matuto ito pero alam kong ayaw lang ni Mama na magtrabaho ako. Masyado niya akong binibaby. Sabi ko naman na okay lang ako pero ayaw niya talaga.
"May mga tao sa labas ate.." sabi ni Gemini nang pumasok ito galing sa labas dahil bumili ng cornetto.
" Sino?" tanong ni Mama.
" Hindi ko pa alam pero hinahanap nila si Ate" lumingon ito sa gawi ko. Napakunot noo ako. Imposible namang si Jasmine dahil kagagaling niya lang dito kahapon at kung sya man dederetso na 'yon dito. Lumabas nalang kami ni Mama para makita.
Nilibot ko ang tingin ko at lumaki ang mga mata ko nang makita ang mga taong nasa labas ng gate namin. Pinagtitinginan na sila ng mga kapitbahay namin lalo na at makikita mo ang karangyaan nila. Sa suot, sasakyan at tindig palang alam mo na na hindi sila ordinaryong tao lang.
"Kilala mo sila nak?" takang tanong ni Mama na ikinatango ko bago lumapit sa gate.
They all smiled at me. Sa loob ng isang taon ngayon ko lang ulit sila nakita.
" Giselle. Anak.." tawag saakin ni Tita Michelle.
Lumapit ito saakin at mahigpit akong niyakap. Pinigilan kong mapaiyak. Ayaw kong umiyak. Sawa na ako don.
" I'm sorry kung ngayon lang kami nakadalaw.." paumanhin niya. Kumalas na kami sa yakap at nginitian siya.
" Naiintindihan ko po Tita" sabi ko. Lumapit naman saakin si Tita Venice, nanay ni Kadynce at niyakap ako. Ganon din si Tita Fiyah, Mama ni Sevrianna.
" Hi Giselle" bati nila Kiya at iba pa nitong pinsan. Niyaya ko silang pumasok dahil agaw pansin na kami sa mga chismosa naming kapitbahay.
"Pasensya na po kayo sa bahay namin" sabi ko nang makapasok kami. Umupo naman sila ng walang pag-aalinlangan.
"Ayos lang Giselle. Okay naman kami sa ganito. " Sabi ni Tita Michelle. Mama siya ng taong isang taon ko ng hindi nakita.
Si Thayer.
BINABASA MO ANG
Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED|
RomanceSERIES 2 ProfxStud relationship