" Class dismissed"
I said after we heard the bell rung. Mabuti nalang natapos ko ang discussion ko sakanila.
"Miss Cervantes. Come to my office" utos ko.
Tipid na tumango ito na hindi ko sinita dahil alam ko na rin naman ang ugali nito. Masyadong mahal ang laway niya.
Pagpasok ko sa office ay nakasunod naman ito saakin at siya na ang sumarado ng pinto.
" What is it?"
Lihim na napaismid ako dahil kung makatanong ay akala mo hindi niya ako professor.
"Uhm.. I just wanna say thank you for bringing me home last Saturday. Thank you" sincere na sabi ko. Tumango naman ito habang nakacrossed arms.
Parang siya 'yong professor dito ah.
" Wait-how did you know my address?" Bukod kasi kay Gianna at kay Jasmine ay wala ng ibang nakakaalam kung saan ang apartment ko.
" I.D" tipid na sagot niya na ikinairap ko. As in literal.
"Okay"
Nakatitig ito saakin before uncrossing her arms bago lumapit saakin kaya medyo kinabahan ako.
" B-akit ka lumalapit?"
Hindi ito sumagot bagkus ay mas lalo pa siyang lumapit.
" Did...did you kiss my forehead that night?" She stared at my eyes while asking.
Mas lalo naman akong nilukob ng kaba dahil sa tanong niya. Gising na siya non? Sana naman hindi dahil talagang wala akong takas kapag nagkataon.
" Uhm. No! And why would I?" Kunyari ay inis na tanong ko.
Mas lalo pa itong lumapit saakin. Gosh! Sinusubukan niya ba ako? Hindi ko kayang malapit siya saakin! Baka mahimatay ako dito.
" You're right. Why would you, right?" Titig na titig ito saakin. Nakita ko pang bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya mas lalo akong kinabahan.
Ano bang ginagawa niya? Hindi niya ba alam na super torture saakin 'to?
Sa sobrang kaba ko ay muntik na akong ma-out balance mabuti nalang ay nasalo niya ako. Ang isang kamay nito ay nasa bewang ko habang hawak nito ang wrist ko. Halos kumawala ang puso ko nang marealize kung gaano kami kalapit. Isang dangkal nalang ang pagitan ng mga labi namin. Pumikit nalang ako dahil naduduling ako dahil sobrang lapit niya.
" Du bist wunderschön"
Minulat ko ang mga mata ko at nagtagpo agad ang mga mata namin. Lumayo ito ng konti kaya mas lalo kung nakikita ang maganda nitong mukha. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero alam kong German 'yon. Marunong pala siya?
" W-hat do you mean?" I asked nervously.
Bumaba agad ang tingin nito sa labi ko nang magsalita ako. Namula ang pisnging umiwas siya at napalunok.
Somehow I love my effect on her. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.
Akala ko lalabas na siya pero lumapit lang siya sa shoe rack at kinuha ang flat shoes ko bago bumalik sa gawi ko. Agad na lumuhod ito kaya medyo nailang ako. Nakaskirt lang ako. Alam kong hindi niya naman ako sisilipan dahil hindi siya ganoong tao, pero nahihiya lang ako.
" Don't wear heels. You still look good without them. " Sabi niya nang matapos niya akong suotan ng flat shoes ko.
Kinuha nito ang takong ko at nilagay sa shoe rack.
Humarap ito saakin at sinalubong ang mga mata ko. " Kailan mo nga pala ako ipagluluto?"
Ipagluluto? Ah oo nga pala. Nakalimutan ko na.
BINABASA MO ANG
Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED|
RomanceSERIES 2 ProfxStud relationship