"Hey Ma'am. Ayos ka lang?"
Agad na nabalik ako sa ulirat nang hinawakan ako nito sa magkabilang balikat at nag-aalalang tumingin saakin.
" Ayos lang ako..." sagot ko.
"You sure? Ang tagal mo po kasing bumalik sa loob kaya binalikan kita and then I saw you here, standing while spacing out. " She said.
Tipid na ngumiti ako sakanya at sinabing okay lang ako. Pumasok na ulit kami sa social hall pero kinuha nito ang paper bag saakin.
"Ako na po.." she give me her sweet smile.
Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Nakakahawa kasi ang ngiti niya. Her smile is prescious at ayaw kong ako ang maging dahilan para mawala 'yon. Alam ko kapag nalaman niyang bumalik na ang taong hinihintay ko masasaktan siya. Kahit na ayaw kong mangyari 'yon ay wala na akong magagawa. Nagustuhan niya na ako kahit na anong tanggi ko.
Kahit na estudyante ko si Miss Vera ay napalapit na rin siya saakin. Para siyang si Gianna.
"Gis. Kumain na kayo " sabi ni Jas.
Tumango naman ako at kumuha ng plato. Napatingin ako sa kasama ko at dala pa rin nito ang paper bag.
"I'll get you foods. Umupo ka nalang" sabi ko kaya lumapad ang ngiti niya.
" Even if I want to. Mas gusto kitang pagsilbihan. "
"Pe---"
"Please?"
Napabuntong hininga ako bago kinuha sakanya ang paper bag bago pumunta sa tabi ni Tiff. Nilagay ko lang sa baba ng chair ko ang paper bag ko.
" San ka galing? hinanap ka kanina saakin ni Miss Vera. " tanong ni Tiff.
" Sa labas lang. " Sagot ko.
Hindi ako mapakali dahil nga magkaharap kami ng upuan ni Thayer. Wala na kasi akong choice dahil hindi ko naman close ang ibang teachers at ayokong makipagclose pa.
" Where's your food?" Tiffany asked. Sasagot na sana ako pero dumating na si Miss Vera at may dalang dalawang plato na may lamang pagkain.
Nilapag nito sa harap ko ang isang plato. Napangiti pa ako dahil alam na nitong paborito ko ang hita ng fried chicken.
"Ehem.." Tiffany cleared her throat kaya napatingin ako sakanya at binigyan niya ako nang pang-aasar na ngiti kaya napakunot noo ako.
" Ang sweet mo naman Miss president" Tiffany said with her tease smiled.
Gago!
Napatingin ako kay Thayer pero nakayuko ito kaya hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya.
Ayaw kong maiba ang interpretation niya saamin ni Miss Vera lalo na sa sinabi nito kanina.
Iniisip niya ba talagang may girlfriend ako?
Siya lang naman ang girlfriend ko. Sa pagkakatanda ko hindi naman kami nagbreak.
" So how are you guys? Ilang taon din tayong hindi nagkita. Ang successful niyo na. " Komento ni Bianca kila Kadynce.
"We're okay, Prof. Thank you for asking. " Nakangiting sagot ni Kadynce.
"If alam ko lang na successful engineer kana. Dapat sayo nalang ako nagpagawa ng dream house namin ng asawa ko. " Bianca muttered. "Anyway, saan pala kayo nagtransfer ni Miss Thayer 3 years ago?"
Hindi ko nalunok ang pagkain dahil sa tanong ni Bianca kaya uminom nalang ako. Gusto ko ring marinig ang sagot niya.
"You don't like the food?" mahinang tanong ng katabi ko.
BINABASA MO ANG
Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED|
RomanceSERIES 2 ProfxStud relationship