Habang nandito ako sa office ko ay narinig kong may kumatok sa pinto.
" Come in"
Bumukas ang pinto at pumasok si Thayer with her impassive face. Kahit ganyan 'yan maganda parin.
" May kailangan ka?" Tanong ko.
Tumaas agad ang kilay nito sa tanong ko. Hot!
" It's lunch time" I bit my lower lip to suppress my smile. Sweet!
" You forgot your debt, didn't you?" Seryosong tanong niya. Napatampal ako sa noo ko dahil ililibre ko nga pala ang bebe ko. Gusto niyang sabay kaming maglunch eh.
" Sorry. Hindi ko kasi namalayan ang oras." Sabi ko at tumayo na.
Hindi na siya nagsalita pa at hinintay nalang ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto at siya na ang naglock ng office ko.
Sabay na kaming pumunta sa canteen. May mga bumabati pa saaming dalawa habang naglalakad sa lobby.
" Wala ka bang practice ngayon?" Tanong ko pagpasok sa canteen.
Umiling lang siya. I mentally rolled my eyes. Sobrang mahal naman ata ng laway niya at hindi niya man lang magawang sagutin ako.
" Kumuha ka nalang ng gusto mo" utos ko sakanya habang kumukuha kami nang pagkain.
" You"
Kunot noong napatingin ako sakanya. " What?"
" Ikaw sabi ko" ulit niya.
" Huh? Umayos ka Cervantes" saway ko. She just chuckles softly. Okay. Siya na maganda.
" Staring is rude Ma'am. In case hindi mo alam" balewalang sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin para pagtakpan ang pagkapula ko. Tinalikuran ko nalang siya at kumuha ng fried Chicken. Napanguso ako nang wala ng hita ng manok.
" Wala ng hita, Ate?" Tanong ko sa tindera.
" Ah wala na po Ma'am" magalang na sagot ko. Tumango nalang ako.
Hanggang sa makaupo kami ay nakatitig lang ako sa pagkain ko. Last day wala ring hita, ngayon wala na naman. Sa susunod magpapareserve na talaga ako.
" Ayaw mong kumain?" Rinig kong tanong nang kaharap ko.
" Gusto ko iyong hita" nakangusong sabi ko. Favorite part ko kasi ang hita ng manok lalo na kapag fried Chicken.
" Sa dami ng tao dito syempre mauubusan ka. " She said.
" Oo nga. Hayaan mo na" I smiled at her bago kumain.
Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa magsalita ito. " Here"
Napatingin ako sa nilapag niyang dalawang ticket. Kunot noong napatingin ako sakanya. " What's this?"
" Tickets for my opera next week" tipid na sagot niya. Napangiti ako dahil naappreciate ko ang effort.
" Gusto mo ba akong panuorin kita?" I asked.
Umangat siya ng tingin saakin bago tumango. " You can bring nurse Jasmine if you want. It's a VIP tickets"
" I'll try" sagot ko.
" Come. Don't try" napaikot ako ng mata. Heto na naman po siya sa pagiging bossy.
" Doon naman si Grace. Hindi ba?" Tanong ko.
Lihim akong napalunok nang titigan niya ako ng mabuti.
" I..I mean. Kailangan pa bang manood ako?"
She crossed her arms around her chest and stared at me.
Oh god! Papatayin ba ako sa titig ng batang ito?
" Fine. I'll watch" pagsuko ko.
She uncrossed her arms at pinagpatuloy ang pagkain.
Urgh! Nakuha ako sa tingin! Ang hirap talaga maging marupok.
" Hi guys!." Tawag pansin ni Tiffany. Kasama nito ang apat na kaibigan niya. Kasama na doon si Grace.
" Hello. Kain" Sabi ko.
" Salamat. Hi Thayer" bati nito sa kasama ko na tipid lang na tumango. Mukhang sanay narin sila sa ugali niya kaya hindi na nila pinansin pa. Nakita kong nakatingin si Grace kay Thayer pero ang isa patuloy lang sa pagkain.
" Sige alis na kami" paalam ni Tiffany na ikinangiti ko lang.
Mabait naman si Tiffany at palapansin. 'Yong tatlong kaibigan nila ay may pagkasungit at cold ang ugali pero kahit ganon okay naman kami.
" Close pala kayo ni Ma'am Tiffany?" Tanong ng kasama ko.
" Hindi naman. Sociable lang talaga siya tapos mabait" sagot ko. Napatango naman siya.
" Ikaw? Bakit hindi mo pinansin si Grace? Hindi ba't close kayo?" Tanong ko.
Napatitig ito saakin na akala mo may sinabi akong mali.
" May masama ba sa tanong ko Cervantes?" Taas kilay na tanong ko.
Umiling ito. " Kumain kana"
Napasimangot ako dahil masyadong bossy. Ako nga 'yong teacher dito eh!
Kapag talaga kasama ko siya, hindi niya pinaparamdam na teacher niya ako. Matutuwa ba ako?" San ka?" Kunot noong tanong ko dahil tumayo ito.
" Tubig" tipid na sagot niya at lumakad na. I mentally rolled my eyes.
Pagbalik nito ay may dala na siyang dalawang mineral water.
" Cold?" Tanong niya.
" Ikaw? Oo" balewalang sabi ko.
Kumunot ang noo niya. " Sabi ko kung malamig ba ang gusto mo o hindi"
Natawa naman ako. Ang cute ng bebe ko.
" Malamig lang." Binigay nito saakin ang malamig at sakanya ang hindi. Mabuti nalang tapos na akong kumain pagdating niya.
Pagkatapos naming kumain ay sabay na kaming pumunta sa counter para ibalik ang tray.
"Bili tayo macaroni. 'Yong nasa small cup lang." Sabi ko sa kasama ko habang nakatingin sa freezer. Meron ring ice cream pero mas gusto kong kumain ng macaroni ngayon.
" Kaw bahala" Sabi niya. Lumapit ito sa freezer at siya na ang kumuha ng macaroni. Dalawa lang ang kinuha niya at isa-isa saamin.
" Heto ang bayad ate" sabay abot ko ng 100 pesos dahil 35 each lang naman.
Umalis na rin kami at dumeretso kami sa field. Matagal pa naman ang klase kaya magpapahangin muna kami.
Bebe time.
Natawa nalang ako sa iniisip ko.
Napatingin ako sa katabi ko at tahimik lang itong kumakain ng macaroni niya.
" Bakit related to business ang kinuha mo instead of musical arts?" Tanong ko.
Bumaling ito saglit saakin bago binalik ang tingin sa field. " Mahal ko ang musika. Kapag musical arts ang kinuha ko baka magsawa ako at ayaw kong magsawa sa music. "
Napatango ako. May point naman siya.
Sana ako mahal niya rin. Char!
Asa pa ako no!
BINABASA MO ANG
Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED|
RomanceSERIES 2 ProfxStud relationship