Special chapter part 2

21.6K 693 171
                                    

"Tama ba?" tanong ko.

Tumango ito kaya napangiti din ako bago tumigil. Well, tinuturuan niya kasi akong mag play ng violin.

"Ang tagal mong turuan, Mi Luna" reklamo niya kaya napanguso ako. Tinawanan niya lang ako.

Well halos mag isang buwan na rin niya akong tinuturuan ng basic pero hindi talaga ako madaling maka catch up. Ngayon ko lang nagawa ng walang mali eh.

Hinila niya ako paupo sa kandungan niya. Nakaupo lang siya habang pinapanood ako kanina.

"Baka mahulog tayo" nag-aalalang sabi ko.

Umiling ito bago ako hinalikan sa temple.

"You still did a great job today, Rye. " Napangiti ako.

" Thanks but you should call me expensive pero dapat tagalog" sabi ko na ikinakunot ng noo niya.

" Mahal?"

Napangiti ako ng malapad bago kinawit ang mga braso ko sa leeg niya.

"Yes, baby?"

Narealize niya naman ang sinabi niya kaya napailing nalang ito bago piningot ang ilong ko. "You tricked me again, Mi luna"

Natawa lang ako.

Akmang hahalikan ako nito sa labi nang biglang bumukas ang pinto ng entertainment room at pumasok doon ang anak namin.

Fryer Amitoj Silvan Valle d'Aosta Cervantes.

Our baby boy.

"Nanay! Mama!" masayang sabi niya kaya umalis ako sa kandungan ni Thayer at sinalubong ng yakap ang anak ko.

"I missed you, baby" sabi ko at hinalikan ito sa pisngi..

"I miss you din po Nanay. Kayo ni Mama. " Sabi niya. Lumapit kami sa Mama niya at kinuha naman ito ng asawa ko.

"How are the people in the White House?" tanong ni Thayer sa anak pagkatapos nitong halikan sa magkabilang pisngi.

Galing kasi si Freyr sa White house. Hiniram ito ng mga Lola at Lolo niya ng dalawang araw kaya miss na miss namin ito.

5 years old na si Fryer at limang taon pa bago ito mawala saamin. Pinaintindi kasi saakin ni Thayer na kapag umabot sila ng 10 ay mawawala sila sa puder namin ng limang taon..ayaw ko sana pero hindi nagtagal ay naintindihan ko rin. Kasali 'yon sa family tradisyon nila kaya hindi na ako komontra pa.

Kaya nga si Majaliah ngayon ay todo spoiled sa anak lalo na at 7 years old na ito kaya tatlong taon nalang ay aalis na ang anak.

"Good po. Dumating ang iba kung pinsan kaya mas masaya. " Masayang kwento ng anak ko.

Minsan ay hinihiram nila ang mga bata para makasama nila sa white hoyse. Minsan ay doon din kami natutulog.

Dito na talaga kami namalagi simula noong naging maselan ang pagbubuntis ko kay Fryer. Sila Mama ay dito na rin tumira kasama namin. Iyon din naman ang gusto namin ni Thayer para may kasama ako sa pagbabantay sa bata lalo na at hindi kami kumuha ng maid tapos may trabaho din ang asawa ko. Si Gem naman ay doon na nag-aaral sa ALU na pagmamay-ari ng pamilya nila Thayer. Scholar rin siya kaya hindi nahihirapan si Mama.

Ayaw pa nga sana nila Mama noon dahil baka daw isipin ng iba na tinitake advantage namin ang kabaitan nila pero pinaliwanag naman ni Thayer na kailangan ko siya lalo na noong nagbubuntis ako. Bawal kasi ako masyadong gumalaw noon dahil mahina ang kapit ni baby kaya dapat alagaan. Hindi naman nagkulang doon ang asawa ko. Every two weeks kaming nagpapacheck up sa tita niyang doctor.

Pinagmasdan ko ang mag-ina ko at kusang napangiti ako dahil nakikita kong nagpeplay si Fryer ng violin at si Thayer naman ay piano. Namana ni Fryer ang pagiging mahilig nito sa musika sa Mama niya.

Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon