Special Chapter

17.4K 638 145
                                    

Giselle

"Hindi ka ba nagseselos?" tanong ko sa kasama ko habang nagbebake kami ng cake.

"No. Matagal na akong tapos sa bagay na 'yan. " Sagot niya habang pinagpapatuloy ang ginagawa niya.

Napatingin ako sa pinto ng kusina kung saan lumabas si Sevrianna kasama si Heaven.

"Sure?" paninigurado ko.

Natatawang nilingon niya ako. "Of course yes. Ilang beses ko ng napatunayan na ako lang talaga ang mahal niya. We have Khaeza. Kahit noong maggirlfriends palang kami ay ganun na talaga sila. Noong time na pinapili ko siya dahil nagselos ako sa closeness nila sabi niya sobrang mahal niya ako pero mahalaga pa rin sakanya si Heaven. Hindi dahil sa dating gusto niya ito kundi dahil matalik na kaibigan niya ito. " kwento niya.

" Heaven is her only best friend maliban sa mga pinsan niya. Nakita ko simula pa noon kung gaano ka protective si Sevrianna sakanya. And of course, Heaven is in love with someone else. " She said.

"Talaga? sino?"

"It's a secret" napasimangot naman ako pero tinawanan lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa. Nandito kasi kami sa bahay nila. Magkaharap lang ang bahay namin kaya talagang hindi kami mapaghiwalay. Hindi kami nauubusan ng tsismis. Weekend kasi ngayon kaya nandito kami sa Salem City. Kahit sinabi na saakin ni Thayer na pwedeng lumipat nalang ako dito dahil marami naman daw magagandang universities pero tumanggi ako dahil hindi ko pwedeng iwan ang pamilya ko doon.

Bumili na ng bahay si Thayer sa Manila medyo malapit lang sa university para daw hindi ako mahirapan.

Bukas uuwi na rin kami kaya nga nagbonding muna kami ni Majaliah. Minsanan nalang kasi itong umuwi sa Manila dahil kailangan niyang alagaan si Khaeza at asawa niya. Sobrang hands on talaga si Majaliah sa pamilya niya.

Kami naman ni Thayer ay tatlong buwan palang ang nakalipas simula nang ikasal kami. Nag undergo na kami ng IVF pero hindi pa ako nakabisita sa doctor ko. Napag-usapan kasi namin ng asawa ko na ako ang mauunang magbubuntis at siya ang sa pangalawang anak namin.

Pagkauwi namin sa Manila ay bumisita muna kami kila Mama dahil nagdala kami ng mga fresh gulay at prutas. Ang lawak kasi ng farm land ng mga Valle d'Aosta tapos puro organic fertilizer ang ginagamit nila.

Kinabukasan ay hinatid ako ni Thayer. Lagi namang ganito ang routine namin. Ihahatid at susunduin niya ako maliban nalang kung may mga family emergency sila pero kapag wala siya lagi akong may bodyguard. Mabuti nga ay pumayag ito na kahit isa lang.  Hindi naman halata dahil hindi rin ito masyadong lumalapit saakin na ikinapapasalamat ko. Sa pagkakaalam ko ay August ang pangalan niya at personal butler ni Thayer.

" Good morning class.." bati ko pagpasok ko.

" Good morning Miss" napakunot noo ako pero agad ding napatango dahil substitute teacher lang naman ako dito sa Class nila for the mean time dahil nakamaternal leave ang isang teacher nila.

Hindi rin naman kalat na kalat dito sa buong campus na may asawa na ako.

" I'm sorry but I'm not Miss anymore. For the information of everybody I am happily married. Address me as Mrs. Cervantes. I prefer that one" I said that made them gasp.

" May asawa na pala kayo Mi---ay prof?"

"Akala namin fake news lang."

" Sino pong asawa niyo? gwapo po ba?"

Napailing naman ako sa mga tanong nila. Sasagot na sana ako pero may kumatok sa pinto kaya lumapit ako at binuksan.

" Oh" my mouth form an 'O' when I saw my wife standing in front of me.

Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon