Nang sumapit ang tanghali ay pinuntahan ko muna si Jasmine sa clinic para sabay na kaming pumunta ng canteen para maglunch break. Matalik na kaibigan ko siya simula college at mabuti nalang dito siya nag-apply para magtrabaho atleast may kasama ako. Mas komportable kasi ako sakanya dahil nga matagal na kaming magkakilala.
" Jasmi-" napatigil agad ako nang makitang may pasyente pala ito.
" Hi Ma'am" Kadynce greeted me with a very radiant smile.
Pinsan ni Thayer.
Napaisip tuloy ako kung magpinsan ba talaga sila. Si Kadynce kasi palangiti at masyadong friendly tapos si Thayer masyadong tahimik at kung magsalita naman sobrang tipid.
" Hello Kadynce. Bakit nandito ka sa clinic? Anong masakit sayo?Hala bakit may mga galos ka?" Nag-aalalang tanong ko at lumapit sakanya. Nakaupo ito sa kama at may band aid sa may temple. Nakita kong meron ding mga maliliit na galos sa bandang braso niya. Nakikita dahil nakasuot lang siya ng t-shirt.
" Aksidente lang Ma'am. Muntik na kasing mahulugan ng mga kahoy ang kasamahan kong babaeng bumibisita sa isang site dito sa campus para sa project na gagawin namin for this semester. Mabuti nalang nahila ko siya pero may mga tumama saakin kaya nagkaganito ako" nakangiting sabi niya. Engineering kasi ang course niya.
" Bakit nakangiti ka pa eh muntik ka ng mahospital" saway ko sakanya.
" Masaya akong nakakatulong. Kung hindi ko ginawa 'yon baka mas malala pa ang nangyari sa kaklase ko" sagot niya. Alam ko naman matulungin silang magpinsan pero hindi ko alam na sa ganito aabot ang kabutihan nila. Siguro nga hindi ko pa sila gaanong kilala.
Pambihira ang ganitong klaseng tao. 'Yong ibubuwis nila ang kaligtasan nila para lang makatulong sa iba kahit na hindi naman nila ito kaano-ano.
" Oh Giselle. Nandito ka?" Pumasok naman si Jasmine na may dalang box ng gamot.
" Pinuntahan kita para sabay na tayong mananghalian." Sabi ko sakanya.
" Ah okay. Hintayin mo lang ako. Mabilis lang" tumango naman ako at umupo sa sofa kaharap ng table niya.
Sinimulan na niyang linisin ang mga maliliit na galos ni Kadynce.
" Hindi ba masakit?" Rinig kong tanong ni Jasmine sa pasyente niya.
" Hindi naman. Malayo sa kamatayan" biro pa nito.
Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Thayer na halata ang pag-aalala sa mukha nito.
" K.." lumapit ito sa pinsan. " Okay ka lang?"
Napatitig lang ako sakanya. Sobrang ganda niya talaga. Wala kang mapipintas. Walang mali. Napakaperfect.
" Ayos lang ako, Thaye. Don't worry" pag-aassure na sabi ng pinsan.
" Wag ka munang pumasok ngayon. Ako na kakausap kay Dean" she tapped her cousin shoulder.
" Kaya ko naman. Maliit na galos lang ito. Nga pala kumain kana ba?" Patuloy lang din si Jasmine sa pagamot sakanya.
" Hindi pa. Hinihintay nga kita tapos may nakapagsabi na naaksidente ka. Tumawag pa ako kay Ate at kila Sevrianna para ipaalam ang nangyari sayo."
" Ang OA mo ah. Baka pumunta pa ang mga 'yon dito." Natatawang sabi nito.
Thayer just chuckled na mas lalo kung ikinatitig sakanya. Mas lalo ata siyang gumaganda?
" Inumin mo ito pagkatapos mong kumain mamaya para mawala ang sakit ng katawan mo. Pain killer 'yan" bilin ng kaibigan ko at inabot ang gamot.
Nakita kong napatingin naman sa gawi ko si Thayer at simpleng tango lang ang binigay nito.
I mentally rolled my eyes.
Kelan niya kaya ako mapapansin?!
Hello? Sa ganda kong 'to binabalewala niya lang. Abah!
" Giselle" tawag saakin ni Jasmine.
" Tapos na?" Tanong ko.
Masyado kasing focus ang isip ko sa pagdedemand sa attention niya.
Saan na 'yong sinasabi mong hindi ka desperate? Huh!
" Oo. Sabi ni Kadynce sumabay na tayo sakanila. " Sabi niya. Nabaling ang tingin ko sa magpinsan at ngayon ay nag-uusap sila pero mahina lang at mukhang hindi dapat namin marinig.
Bumalik ang tingin ko sa kaibigan ko. "Okay"
Di na ako pabebe no chance ko na 'to na makasabay ang taong pinapantasya ko.
Wow naman Giselle, pantasya talaga!
" Ma'am tara na po?" Magalang na sabi ni Kadynce. Palihim naman akong sumulyap sakanya at nakita kong inaalis niya ang suot niyang leather jacket at pinasuot sa pinsan para matakpan ang mga galos niya.
Another points na naman siya sa puso ko. God! Paano ba ako hindi magkakagusto sakanya?
How to unlike you?
Napailing nalang ako dahil kung ano-anong pumapasok sa utak ko. Syempre imposibleng hindi ko siya magustuhan!
" Anong nginingiti mo dyan?" Jasmine nudge me. Nakatingin din pala 'yong magpinsan saakin kaya napaiwas ako dahil alam kong namumula ako.
Nakakahiya ka talaga kahit kelan Giselle!
Baka isipin nila na nababaliw kana. Or worst iisipin ni Thayer na baliw kana.
Mabuti nalang hinila na ako ni Jasmine at sumunod naman 'yong dalawa.
" Ano bang dahilan bakit ka nakangiti kanina?" Tanong nito habang naglalakad kami sa lobby papuntang canteen.
" May naalala lang" pagsisinungaling ko. Hindi kasi niya alam na may gusto ako sa estudyante ko. Well, wala namang nakakaalam bukod sa sarili ko.
" Bakit may jowa kana? Hindi kana nagsasabi saakin huh" kunyaring nagtatampong sabi niya.
"May boyfriend na po kayo, Ma'am?" Biglang tanong ni Kadynce at mukhang narinig nila ang sinabi ni Jasmine.
" I don't have a boyfriend. Wag kang maniwala dito sa nurse mo. Kahit anong pinagsasabi" sulsol ko. Jasmine glared at me pero tinaasan ko lang ng kilay.
Kadynce smiled. " Mabuti po kung ganun" she said in....relief?
I'm not sure though.
" Bakit naman kung mabuti?" Tanong ko.
" Liligawan ko po kasi kayo Ma'am" maang na napatingin kaming tatlo sa naging sagot niya.
"W-hat?"
" Sabi ko liligawan ko po kayo. Ayaw niyo po ba?" She asked.
Oo. Kung si Thayer lang sana ang nagtatanong saakin niyan baka umoo na agad ako.
Landi ko talaga.
" Wag mo ngang ginogood time ang kaibigan ko Kadynce. Kebata-bata mo pa" saway ni Jasmine sakanya.
Ako natahimik lang. Siguro nagulat lang ako.
Nagbibiro lang siguro siya.
" Seryoso po ako nurse Jas. " Natahimik ulit kami. Napatingin naman saakin ang kaibigan ko.
" Let's go. I'm hungry"
Thayer broke the silence at nauna ng naglakad.
" Tara na po" Kadynce smile like there's no awkward topic she said earlier. Sumunod naman kami ni Jasmine.
" Seryoso ba siya?" Mahinang bulong saakin ni Jasmine.
Nagkibit balikat ako. " Baka nagbibiro lang siya. "
BINABASA MO ANG
Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED| UNDER REVISION
RomanceSERIES 2 ProfxStud relationship