" Merry christmas baby!"
I heard her chuckled on the other line.
" Merry christmas too Mi Luna.."
Malapad na napangiti ako. We've been together for 3 months now. It's december 25 na, our first christmas as a couple. Pinuntahan niya naman ako kahapon para atleast ma-celebrate namin ang christmas eve. Uuwi daw kasi ito sakanila so she can celebrate christmas with her family. Ako naman dito ako sa Quezon. Wala pa ring alam ang pamilya ko sa totoong ugnayan namin ni Thayer.
Si Jasmine at pinsan lang naman niya ang nakakaalam and sila Majaliah pala. Masaya nga ako kay Majaliah because she's open now. Alam ng both side ang meroon sila. Actually, doon daw ang pamilya ni Majaliah sakanila to celebrate Christmas with them.
" I miss you so much baby" Malambing na sabi ko habang nandito sa loob ng kwarto ko at kagigising ko lang.
" And I miss you too. I want to celebrate christmas with you but I don't want to be selfish. Family first. " Napangiti naman ako.
"Me too baby. Ang tagal pa nating magkikita.." nakangusong sabi ko.
"You miss me that much, huh?"
"Yeah. Sa January pa ang kita nating dalawa. "
Narinig kong may kaluskos ito at mukhang nasa kwarto rin siya.
" Can't you spend the New year with me? Ipapakilala kita sa angkan ko"
Bigla akong na-excite pero agad ding nalungkot dahil pupunta kaming Visayas para magcelebrate ng New year sa mga kamag-anak namin doon.
"Pupunta kasi kaming Visayas. "
" Oh. Don't be sad Mi Luna. You'll gonna see me one of these days"
Ngayon ay napangiti na ako. Naniniwala naman ako sakanya. Paano ba naman kasi kapag sobrang namimiss ko na siya bigla-bigla nalang siyang susulpot.
But the most unforgettable one was, I'm really craving for Korean foods tapos bigla nalang niya akong hinila palabas ng apartment tapos nagulat pa ako nang makarating kami sa airport.
" San tayo? bakit dito tayo sa airport baby?" takang tanong ko. Mabuti nalang maayos ang suot ko dahil kagagaling lang namin sa park.
" We're going to South Korea Mi Luna"
Laglag pangang tiningnan ko siya at ang tagal maprocess ang sinabi niya hanggang sa makarating nga kami sa Korea.
Pumunta lang talaga kami doon para maglunch at magdinner na din tapos ay umuwi din kami.
Nang ikwento ko kay Jasmine ay inis na inis ito saakin dahil hindi ko daw siya sinama sa pangalawang punta namin doon. Malay ko naman diba ? Hindi ko nga rin alam na doon ang punta namin.
" I love you baby" sabi ko.
" I lov- Nak?! Bumangon na. Lahat ay naghihintay na sa baba. " May boses na pumutol sa sasabihin sana ni Thayer.
Nak? Mama niya ba?
" Opo Ma. Kinakausap ko lang ang kasintahan mo"
Pinigilan kong matawa dahil hindi talaga ako sanay kapag sobrang lalim niyang magtagalog.
" Ow? Magandang umaga Ija. Maligayang pasko! " Rinig ko mula sa kabilang linya.
" Maligayang pasko rin po sainyo" bati ko pabalik.
" Ma. Susunod nalang ako sa baba"
" Sige. Paalam sayo ija!!" narinig ko nalang ang pagsara ng pinto.
BINABASA MO ANG
Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED| UNDER REVISION
RomanceSERIES 2 ProfxStud relationship