2 YEARS LATER!...
"Ano ba Miss Vera. Lumayas ka nga dito sa office ko. Nababanas ako sa pagmumukha mo!" taboy ko sa makulit kong estudyante. Parang aso lang sunod nang sunod.
"Dito nga lang ako, Ma'am. Ang kulit niyo rin. Sasamahan ko nga kayo eh" sabat niya.
Napaikot ako ng mata. "Ano ba ang kailangan mo? wala ka bang klase?"
She smile at me sweetly.
" You Ma'am. Didn't I tell you that? paulit-ulit nalang tayo"
Here we go again. Hindi matapos-tapos ang usapang ito.
" Tigilan mo ako sa mga trip mo sa buhay Miss Vera. Sinabi ko sayong wag ako ang pagtripan mo? paulit-ulit na nga tayo kasi hindi ka makaintindi" nauubos ang pasensya ko sa batang ito.
"Bakit nga Ma'am? dahil students mo ako?"
"Exactly!" Agad na sagot ko.
Napanguso ito. " We can make it secret naman Ma'am. Promise lagi kitang pasasayahin.."
"Miss Vera"
"You know I like you so much. Kahit na professor kita ay gusto kita. " Deretsong sabat niya.
Napabuntong hininga ako. " Hindi ka ba nagsasasawa sa kakareject ko? Miss Vera kahit na ilang taon kang mangulit hindi ako bibigay sayo" sagot ko.
"Eventually makukuha din kita Ma'am. Sa ganda kong 'to?" mayabang na sabi niya.
Malapad na napangiti ako. " Willing to wait ka talaga?"
Nakita ko ang mga mata niyang puno ng pag-asa.
"Yes naman Ma'am. Araw-araw kitang liligawan. "
"Ilang taon" instead ay tanong ko. "Ilang taong mo akong kayang hintayin?"
"Basta 'yong wag lang masyadong matagal. You know kasi Ma'am I don't believe in the saying na kahit buong buhay pa nila maghihintay sila. For me, ayaw kong ilalaan lang ang buhay ko sa kakahintay ng bagay na walang kasiguraduhan. Gusto ko maging masaya habang nabubuhay."
Natahimik ako dahil natamaan ako sa sinabi niya. Pero bakit ganon? bakit nakakaya ko pa ring maghintay sakanya? tatlong taon na ang lumipas at hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik.
Kaya ko pa dahil alam kong babalik siya. Babalikan niya ako.
"Ma'am? bakit natahimik kayo? Sasagutin niyo na ba ako?" untag niya.
Napatingin ako kay Miss Vera. Maganda siya at makikita mo agad ang pagiging playful niya. Masayahin siyang tao.
"Bakit ganyan kayo makatitig Ma'am? nafall na ba kayo saakin?"
Napairap nalang ako. Kapal ng mukha ng batang 'to.
" Mag-aral ka nalang bata hindi 'yong nilalandi mo ako. Bakit hindi si Thea ang landiin mo?" suggest ko.
Napalunok ito bigla. "Wag kayong magbiro ng ganyan Ma'am. Baka bugahan ako ng apoy non. My god!nakakatakot kaya siya. "
"Wala kang makukuha saakin Miss Vera. I'm waiting for someone."
Natahimik ito at napatitig saakin. Nakita ko ang malungkot nitong tingin pero agad na tinago niya.
"Don't push your feelings towards me, Miss Vera. Because if you can't spend your time waiting, I can. I can wait for that someone till forever. Basta para sakanya makakaya ko.."
Napangiti ako dahil naalala ko ang maganda nitong mukha kahit na cold ito at kunot ang noo kapag may hindi nagustuhan.
"Paano....paano kung hindi na siya babalik?"

BINABASA MO ANG
Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED|
RomanceSERIES 2 ProfxStud relationship