Kinabukasan ay ganon pa rin ang naging routine ko. Gigising sa umaga, maliligo, kakain at pupunta ng school. Dalawa lang ang klase ko ngayong umaga kaya hindi masyadong hassle.
" Good morning Ma'am"
" Hi po Ma'am"
" Ganda niyo Ma'am"
Tumatango at ngumingiti lang ako sa mga students na bumabati saakin habang dumadaan ako sa lobby. Strict lang naman ako kapag nasa klase pero kapag nasa labas ay nakikipag-usap din ako sa mga estudyante ko. Mas mainam kasi na makausap mo rin sila minsan. Nagseshare ng mga saloobin nila, naririnig mo ang ibang comments at perception nila sa mga bagay-bagay.
" Ma'am!!!"
Natawa naman ako nang makitang papalapit saakin si Gia short for Gianna. Estudyante ko rin siya na ngayon ay nasa 3rd year narin pero AB literature ang course niya. Masyado kaming close pero alam niya ang limitation niya lalo na kapag nandito kami sa campus ground.
" Hi Ma'am! Namiss po kita" Sabi nito ng may malapad na ngiti sa labi bago kinuha ang bag ko kung saan nakalagay ang laptop at ibang papers sa loob.
Ito ang gusto ko kay Gia masyadong matulungin at masayahin kaya magaan ang loob ko sakanya.
" Para namang hindi tayo nagkikita" natatawa kong sabi dito at nagpatuloy na kami sa paglalakad. May mga bumabati din saakin na tinatanguan ko lang at minsan binabati din pabalik.
" Hindi kaya, Ma'am. Two days akong nawala diba?" Tanong niya. Ah oo nga pala. May Regional writting contest kasi kaya isa siya sa mga participants.
" Kamusta ang contest? Nanalo ka ba?" Tanong ko.
" Hindi pero nakapasok po ako ng 2nd place" masayang sabi niya. Natuwa naman ako dahil alam kong mahal niya ang pagsusulat.
" Congratulation sayo. Better luck next time nalang. Malay mo Champion kana sa susunod" pagpapagaan ko sa loob niya.
" Thank you, Ma'am. Hindi naman po ako nasaktan dahil alam kong kulang pa ang kakayahan ko. Kaya nga pinagbubutihan ko para sa susunod makukuha ko na ang championship" Sabi nito na halata ang determinasyon sa mga mata nito.
" That's good to hear" I smiled at her. Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng classroom.
" Ihahatid na po kita hanggang sa office mo Ma'am." Tumango nalang ako sakanya at naunang pumasok sa classroom namin at nakasunod lang siya sa likod ko.
" Good morning, Ma'am" bati ng students kong nandito na sa loob.
" Hi Gia. Congratulations nga pala" pansin nila sa kasama ko. Isa rin kasi si Gia sa mga students na nabibilang sa mga famous students dito sa campus kaya kilang kilala rin siya. Friendly rin naman si Gia kahit papaano.
Papasok na sana ako ng office nang makita kong papalabas si Thayer mula sa storage room na may dalang empty trash bin. Mukhang puno na ang basurahan kaya pinapalitan na niya. Nasa kabilang office ko lang kasi ang storage room.
" Good morning Miss Cervantes" bati ko sakanya nang mapansin niya ako.
Tumango naman ito. "Ma'am"
Then she walked out.
What the —
Parang baliktad ata?
Inalis ko na nga ang kahihiyan sa katawan ko para batiin siya pero tinanguan lang ako.
Minsan talaga sarap niya tirisin.
Kung hindi lang talaga kita gusto Cervantes!
Tuluyan na akong pumasok sa office ko at sumunod naman saakin si Gia at nilapag ang bag ko sa may table.
" Thank you, Gia" pasalamat ko sakanya.
" No worries, Ma'am. Alis na po ako" paalam niya. Ngumiti naman ako sakanya bago ito tuluyang umalis.
Habang inaayos ko ang gamit ko ay may kumatok kaya umangat ako ng tingin.
" Yes Miss Cervantes?"
Yeah. It's her.
Hindi ko parin nakakalimutan ang pambabalewala nito saakin kanina pero makita ko lang siya ngayon sa harap ko parang nawala ang inis ko sakanya.
Ang rupok ko diba?
"Miss Grace wants to excuse me from your subject this morning." She said.
I raised my eyebrow.
" Why?"
" Practice for the upcoming musical operas" tipid na sagot niya.
Oo nga pala. Next week na ang palabas niya kaya kailangan niyang magpractice.
Pero si Grace ang kasama niya. Alam ko naman na may gusto rin sakanya si Grace na teacher niya sa Musical class.
" Pwede namang magpractice kayo during free time. Bakit kailangan iexcuse ka pa niya ngayon?" Ngayon nga lang kita makakasa sa iisang room' gusto ko pa sanang idagdag.
Nakatingin lang ito saakin at hinihintay ang susunod kong sasabihin.
" Sabihan mo nalang siya na may quiz ngayon kaya hindi muna pwede" dagdag ko. Sa totoo lang wala talaga akong balak magpaquiz ngayon pero dahil sa ipapaalam niya, nagbago isip ko para hindi siya maexcuse ngayon.
Huh! Maparaan 'to no
She just nod her head. "Okay. I'll tell her. Thank you."
Tsaka siya umalis.
Ngiting tagumpay naman ako. Kala mo maiisahan mo ako Grace! No way!
" Get 1/4 sheet of paper. May quiz tayo ngayon"
Nakita kong nagulat naman sila sa narinig mula saakin maliban sa taong prente lang nakaupo habang nilalaro ang ballpen nito. Ngayon lang kasi ako nagbigay ng surprise quiz.
" May quiz tayo Ma'am?"
" Hala patay!"
Rinig kong sabi ng mga estudyante ko.
" Yes. It's a surprise quiz. Asahan niyong hindi ito ang huli na magbibigay ako ng surprise quiz, so be ready" I said.
Wala na rin silang nagawa kundi ang kumuha ng papel. Naririnig ko pang nanghihingi ang kapwa nila students ng papel. Napailing nalang ako dahil wala pa nga sa kalagitnaan ng first semester pero wala na agad silang papel or maybe hindi talaga sila bumili at umaasa lang sa mga kaklase nila.
" Don't worry ang quiz na ibibigay ko ay ang lesson natin kahapon. Imposible namang hindi niyo na maalala."
Nagsimula na naman silang magreklamo.
"It's just that either you weren't listening to me attentively, or pinapasok niyo lang sa kabilang tenga niyo at nilalabas sa kabila." Seryoso kong sabi para alam nilang hindi na ako natutuwa sa kabilat kanang reklamo nila. Siguro tama rin na nagpasurprise quiz ako para malaman ko kung sino talaga ang nakikinig at hindi.
Tumahimik naman sila dahil tama ang sinabi ko. Kung talagang nakinig sila hindi sila marereklamo.
" Number 1!" Medyo mataas na boses at may diin na sabi ko na ikinagitla ng iba lalo na ang mga students na nasa first row.
" No cheating. Ang mahuli kong mangongopya ay automatic zero and listed his or her name on the cheating list. Understood?!"
" Yes, Ma'am!" They all said in unison.
"Good." I said at sinimulang magbigay ng quiz sakanila.
BINABASA MO ANG
Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED|
RomanceSERIES 2 ProfxStud relationship