" I'm sorry Gis. Ikaw nalang. Hindi kasi talaga ako pwede ngayon. May sakit ang kapatid ko tapos sila Mama naman nasa probinsya"
Tinawagan ko siya tungkol sa invitation ni Tiffany pero hindi daw siya makakapunta.
" Sige ayos lang. Naiintindihan ko. Basta bawi ka sa susunod" narinig ko ang mahinang tawa niya sa kabilang linya.
" Oo na. "
Pinatay ko na rin ang tawag. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin at napangiti.
Ang ganda!
I was wearing a silk black fitted dress that shows my curve perfectly. Malalim rin ang neck line niya kaya kita ang cleavage ko. Wala akong sasakyan kaya nagtaxi nalang ako.
Pagdating ko doon sa bar na sinasabi ni Tiffany. Pinapasok naman ako ng guard ng walang tanong-tanong. Pagpasok ko ay sinalubong agad ako ng malakas na music at mga taong naglalandian sa lobby. Nilibot ko ang tingin ko at sobrang daming tao. Marami agad ang napapatingin sa gawi ko pero hindi ko nalang pinansin. Ganyan kasi talaga kapag maganda!
" Giselle!!!!"
Napalingon ako sa malakas na sigaw na 'yon at nakita ko agad si Tiffany na kumakaway sa isang table. Napangiti naman ako bago lumapit sakanila. Kasama nito ang mga kaibigan niya at ibang mga kaedadan nilang professor.
" Akala ko hindi kana pupunta" Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.
" Sorry. Tinawagan ko pa kasi si Jasmine pero hindi siya makakapunta eh" paliwanag ko.
" That's okay. Sit beside me" ngumiti naman ako sa iba. 'Yong iba binati ako iyong iba tumango lang.
" Ang sexy mo " bulong ni Tiffany. Natawa naman ako sakanya. Ang sexy niya nga rin eh.
" Here" bigay ni Bianca ng basong may lamang alak. Malugod na tinanggap ko naman.
Nilibot ko ang tingin ko sa mga kasama namin at masasabi ko lang na ang gaganda naming lahat. Tahimik lang iyong tatlo. Si Thea, Ivy and Azalea. Kaibigan sila ni Tiffany. Actually sikat nga silang limang magkakaibigan at kilalang tahimik ang tatlo. Tanging si Tiffany at Grace lang ang palangiti at palapansin.
" Nasaan si Grace?" Tanong ko nang hindi ko siya makita.
" Ah hindi siya makakapunta. May family dinner daw sila" sagot ni Tiffany.
Napatango nalang ako bago uminom ulit.
Medyo nalalasing na rin ako habang tumatagal ang inuman. Sila Bianca nasa dance floor kasama si Tiffany at nagsasayaw. Mabuti nalang weekend kaya walang klase bukas. Nagpaalam akong magccr lang sakanila na ikinatango lang nila. Ano pa ba ang aasahan.
Meron ding tao sa loob pero hindi naman marami kaya natapos din agad ako. Paglabas ko ay medyo nahihilo na ako pero kaya pa naman. Nabawasan nga nang makaihi ako. Hindi muna ako bumalik sa table namin at lumabas muna ako para makalanghap ng sariwang hangin.
Napapikit ako nang maramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin. Agad din akong napadilat nang may marinig akong boses.
" Dumaan lang talaga ako 'to check my friends. Hindi ko alam na dito ka rin pala." Rinig ko ang pamilyar na boses na 'yon kaya luminga-linga ako.
Agad ding napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino 'yon.
Si Grace kasama si Thayer.
" Anyway, alis na ako" Wala akong narinig na sagot mula kay Thayer pero nakita kong tumango ito.
Kumirot agad ang puso ko nang makitang hinalikan siya ni Grace sa pisngi. Nakaside view silang dalawa kaya hindi ko masyadong makita ang reaction niya.

BINABASA MO ANG
Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED|
RomanceSERIES 2 ProfxStud relationship