Chapter 11

16.9K 759 64
                                    

"Reminder class, the deadline of your portfolio interview is on Friday. I won't accept late requirements this time. The last time na naging mabait ako sainyo ay masyado niyong inabuso. I gave you 1 week, right? So I hope wala akong maririnig na ano mang reklamo mula saniyo. "

Tahimik lang sila at ang iba ay tumatango.

Kailangan kasi nilang mag-interview ng limang entrepreneurs in any business case kaya imposibleng wala silang mahanap. 'Yong nasa learning book nga ay dapat 10 interviewers pero binawasan ko na para less hassle. Nag add nalang ako ng documentations para alam kong hindi lang sila ang sumagot sagot ng interview.

" Class dismissed" I said.

I secretly glance at her side. Nag-iwas din ako nang makita kong titingin ito sa gawi ko. Dumeretso na ako sa office ko para kumuha ng new books dahil may second subject pa ako.

Well, dalawang linggo na rin ang nakalipas simula noong nangyaring dinner. Back to normal ulit kaming dalawa. Ewan parang bigla kaming nagkahiyaan? Or ako lang? I don't know. Hindi ko pa rin makalimutan ang huling sinabi niya.

" Yeah. I forgot to tell you that it is possible for me to like my professor if it's you. "

Ayokong mag-assume pero grabe naman siya saakin! Hirap na hirap akong kalimutan ang sinabi niya. Halos hindi nga ako makatulog nong gabing 'yon kakaisip.

After ng last subject ko sa tanghali ay pinuntahan ako ni Jasmine sa office ko. Himala nga na siya ang sumundo saakin.

Syempre pagdating sa Canteen ay tinawag na agad kami ni Tiffany matapos kaming kumuha ng pagkain. Si Thea at Grace ang wala.

Naging close na rin namin ni Jasmine si Tiffany. Hindi naman kasi nagsasalita ang tatlo. Minsanan lang. Si Jasmine naman medyo close rin kay Grace. Nag-uusap naman kaming dalawa pero hindi ganun kadalas. Parang may gap kami sa isa't isa. Civil lang kaming pareho.

Wala rin namang naging ganap ang buong araw ko. Same lang.

Pagpasok ko ng library ay nakangiting binati pa ako ng librarian. Medyo may edad narin siya kaya medyo may pagkasuplada. Okay lang naman saakin 'yon. Pumunta kasi ako dito para ibalik ang mga libro na hiniram ko. Kahit naman may social media platforms na ngayon ay mas maganda parin kapag may content galing sa libro.

Nasa bandang likod pa ang bookshelf kung saan ko ito kinuha kaya medyo madilim na 'yong part. Wala rin namang mga students ang tumatambay dito dahil nga boring. Noong students palang ako isang beses lang ako naligaw sa library sa school namin dahil sa isang research na dapat kunin mula sa libro.

Nagpalingalinga ako para maghanap ng upuan dahil medyo hindi ko maabot ang shelf. Nasa taas kasi masyado. Gosh! Kinulang ako sa height.

" Kainis naman! Sana sinama ko nalang si Eun woo. Ang tangkad pa naman niya" himutok ko.

Mukha na talaga akong k-drama.

Napaigtad ako nang biglang may humawak sa libro pero kamay ko ang nahawakan niya. Bumilis agad ang tibok ng puso ko nang maamoy ang familiar scent niya.

" Ako na" her rascal yet cold voice sent shivers to all over my body.

Naging parang tuod lang ako at hindi makagalaw. Ramdam ko ang presensya nito sa likod ko.

" Okay na" mahinang wika niya. Unti-unting humarap ako sakanya at napasinghap ako nang makita kung gaano kami kalapit sa isa't-isa. Mas matangkad siya saakin kaya kailangan ko pang umangat ng tingin. Yumuko naman ito at nagtama ang tingin naming dalawa.

" T-hank you" talagang nautal pa ako. Hayurp!

Hindi ito sumagot at nakatitig lang sa mukha ko.

Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon