Chapter 24

18.5K 718 211
                                    

"Bakit mo ginawa 'yon? Hindi mo ba kilala ang pamilya niya? Mga makapangyarihan 'yon Thayer! Paano kung may gawin sila sayo!? Kung balikan ka nila!"

Nandito kami sa clinic ngayon at pinalinis ko kay Jasmine ang kamay niya dahil may sugat ito.

" And you think hahayaan ko nalang na bastosin ka nila? Come on! Sobrang nirerespeto kita tapos babastosin ka lang ng mga hayop na 'yon!" Galit parin ito.

" Thayer. Language" saway ni Kadynce habang nakaupo sa couch. Siya naman ay nakaupo dito sa kama. Nakahawi kasi ang kurtina.

Her expression soften. " I'm sorry for cursing"

" Calm yourself, Cous."

Tumango ito at napabuntong hininga bago tumingin sa gawi ko.

"Hindi ba sinabi ko sayo na hindi ko hahayaang may mangyari sayo? Seeing those—I'm not sure how to address them—disrespecting you makes me fuming mad."

" Pero paano kung balikan ka nila? Kaya nilang baliktarin ang nangyari. Pwede kang masuspend or worst mawalan ng scholarship. Paano kana?"

"You think I care? "

Agad na sinampal ko ito sa pisngi pero mahina lang naman.

" Seryoso ako dito Cervantes. Nag-aalala lang naman ako sayo"

She sighed and hold my hands.

" Okay lang na mawala ang scholarship ko. I can pay for my tuition or I can buy this school. Much better." Balewalang sabi niya.

"Maganda 'yon, Cous. So we can make this school elegant and classy, and offer many scholarships to those in need or 'yong mga batang hindi nakakapag-aral dahil hindi nila kayang bayaran ang matrikula. " Sang-ayon ng isa.

" Yeah. We should also practice the core values: high standards, high wages for teachers and all employees, and developing equality in all aspects."

Wow. Kung makapagusap parang walang nangyari kanina ah. Bakit ba napunta sa ganyan ang usapan?

" That's right. The educational system here sometimes makes me sick. Mas maganda kung doon nalang tayo sa NVU. Ganda ng buhay nila doon. Dito, ah so poor" reklamo ni Kadynce.

So poor? Hindi naman siya nagbibiro diba? Halos hindi pa nga abot ng sweldo ko ang tuition fee dito eh.

" Ganun talaga. Ang daming corrupt dito eh. Mga estudyanteng mayayabang na anak mayaman. Wala lang din namang ambag sa lipunan. Mas maganda mamatay nalang sila at maging fertilizer. There, magiging useful sila dito sa mundo"

" Cervantes. Killing is a sin. Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo" sermon ko.

"Killing is not a sin. You're just helping the society to eliminate  overpopulation and lessen crimes." napasimangot ako.

" Masama pa rin 'yon"

She give me a weak smile. " Siguro nga. But sometimes killing them is the best way. Madrigal should thank me for giving him a second life. Kapag nakita ko ulit siyang lumapit sayo, I swear, Rye. He is going to be a fertilizer."

Akala ko noon kahit lamok hindi nila kayang patayin pero mukhang mali ako.

Now I'm questioning myself. Sino ba ang taong naging girlfriend ko? Sino ba ang taong matagal ko ng gusto? Sino ba ang taong mahal ko?

" Who are you?" Hindi ko maiwasang maitanong. Nakita kong nalungkot ito at nagkatinginan sila ng pinsan niya.

She turned her gaze at me. "Who am I? I'm the person who is going to protect you no matter what and shield you at all costs. I am your sunny presence in the middle of a stormy and rainy season. I am the one who will give you a meaningful rise and shine and present you with a fascinating sunset to show how astonishing you are, my Moon. That's who I am—a person who will always be there for you, appreciating your gracefulness and loving you to the fullest."

Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon