" Close pala kayo ni Thayer?"
Tanong ni Jasmine habang papunta kami sa upuan namin. Ngayon kasi ang musical opera ni Thayer at mabuti nalang ay sumama siya. Tinanong niya kung saan ako kumuha ng tickets at talagang VIP pa. Sinabi ko bigay ni Thayer kaya siguro natanong niya kung close kami.
Close ba kami? Sa palagay ko hindi naman. Nitong mga nagdaang araw, normal pa rin namin ang pakikitungo namin sa isa't-isa.
" Hindi naman. " Sagot ko.
Napatingin ako sa paligid at maraming tao rin pala ang pupunta. Nasa panglimang row kami kaya medyo malapit sa stage, mas makikita ko siya ng maayos. Sayang nga lang ay hindi pwedeng kumuha ng videos o kahit picture.
" Ang dami rin palang manonood" Sabi niya habang tumitingin sa paligid. Marami na ring nagsidatingan dahil ilang oras nalang ay magsisimula na ang play.
Napaayos ako ng upo nang tawagin na si Thayer pagkatapos magperform ng mga choir.
Rinig na rinig ko ang malakas na palakpakan. Hindi naman pwedeng sumigaw dito. Dapat classy at elegant.
Umupo ito sa may piano and relax her body before playing the piano. Hindi ko alam ang tinutugtug niya dahil hindi ako masyadong fan ng mga operas. Halos karamihan ng mga music ko Pop music. BTS song, blackpink at Exo.
Opo. K-pop fan po ako.
Mahilig rin akong manood ng k-drama. Actually, partner in crime kami ni Jas. Minsan nagsesleep-over siya doon sa apartment na tinutuluyan ko para manood.
Bukod sa Paris, isa ang South Korea sa gusto kong puntahan and meet my idols in person. Sa ngayon wala pa akong pera at nag-iipon pa ako.
Pumalakpak naman kami ni Jasmine nang matapos siyang magplay. Akala ko tapos na siya pero hindi pa pala. May lumapit sakanya na may dalang saxophone at binigay sakanya.
Napangiti ako nang napapikit pa ito habang nagpeplay. Nakikita mo talagang mahal na mahal niya ang musika.
Pagkatapos niyang magplay ng saxophone ay violin naman. Lahat na ata ipaplay nila sakanya.
Naaawa na ako sa bebe ko. Baka pagod na siya. Char!
" Wow!!!"
" Bravo!!"
" Ang galing ng batang ito!"
Ilang lang 'yan sa mga naririnig mo matapos magperform ni Thayer.
Standing ovation ang bebe ko.
Ganon po talaga. Wala tayong magagawa. Magaling e.
Napasimangot din agad ako nang makitang binigyan siya ni Grace ng bouquet of flowers with matching kiss on her cheek.
Nakakainis talaga.
"Lalapit pa ba tayo to greet her?" Tanong ni Jas.
Napatingin ako sa stage at maraming taong lumalapit sakanya kaya hindi nalang siguro.
" Hindi na. Labas na tayo" tumango naman siya at sabay na kaming lumabas.
" Bakit ganyan itsura mo?" Natatawang tanong ni Jas.
Hindi ko nalang siya pinansin dahil masama pa rin ang loob ko. Gusto ko sana siyang makausap at sabihing sobrang proud ako sakanya.
" Kain muna tayo.." tumango nalang ako sakanya at sumunod.
Sa isang malapit na restaurant lang kami kumain.
" Order kana" utos ko.
" Tamad mo talaga.." sabad niya.
BINABASA MO ANG
Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED| UNDER REVISION
RomansaSERIES 2 ProfxStud relationship