Pagkatapos ng isang klase ko ngayong hapon sa first subject ay umalis ako sa office ko at pumunta sa Auditorium. Nagbabakasakaling makita ko ang pinakapaborito kong estudyante na nagngangalang Thayer Fluer Cervantes. Sana wala na don si Grace dahil maiinis lang ako at hindi ako makakalapit sakanya. Mabait naman talaga si Grace pero walang mabait saakin kapag sinusumpong na ako ng selos. Akala mo naman may karapatan ako.
Dumaan ako sa may front door ng auditorium at hindi nga ako nagkakamali na nandito siya. Nasa stage ito at nasa balikat niya ang violin habang nagpeplay. May ilaw na nakatutok sakanya kaya kitang-kita ko siya. Hindi ko alam kung anong klaseng genre ng music ang tinutugtug niya pero masasabi kong magaling talaga siya. Dahan dahan akong umupo sa medyo madilim na part at palihim siyang pinapanuod.
Hindi na talaga ako nagtataka kung bakit baliw na ako sakanya.
Kinuha ko ang cellphone ko at pinindot ang video para kuhanan siya. Napapangiti pa ako kapag nakikita kong napapapikit siya at dinadama ang pagplay nito ng hawak na violin.
Agad na nagkasalubong ang kilay ko nang makita kong lumapit sakanya si Grace na hindi ko napansing nakaupo pala sa harap. Masyado kasing occupied ang isip ko sa isang tao lang na ngayon ay kausap na si Grace. Mabilis kong pinindot ang end ng video dahil ayaw kong kunan kung gaano sila kalapit sa isa't isa. Pero hindi lang 'yon, hinalikan siya ni Grace sa pisngi na ikinagulat ko pero kalaunan ay napakuyom ang kamao ko sa sobrang sama ng loob.
How dare her kissed my Thayer!!
Sa pisngi lang naman pero—arrgh! Nakakapanggigil talaga.
Ni hindi ko pa nga siya nahahalikan o nahawakan man lang pero siya naunahan pa ako.
Really, I hate her.
Kung sana hindi kasalanan ang pumatay...
Mabuti nalang ay umalis na ito dahil kung hindi baka ihanda ko na ang hukay niya.
Kumalma naman ako nang makita kong hindi pa umaalis si Thayer at nakaupo parin ito habang nakatingin saakin.
WHAAAT!!!!
Nakatingin nga ito saakin. Oh my God!
I bit my lower lip, mabuti nalang medyo madilim sa part na 'to kaya hindi niya nakikita ang pagkapula ko. Nakakahiya talaga ang asal ko.
Professor ba ako sa lagay na 'to?
Huminga muna ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko. Dapat natural lang Giselle. I sighed again. Mabuti nalang ay kumalma ako.
That's good Giselle.
Tumayo na ako at lumapit sakanya. Hindi nito inalis ang tingin saakin kaya naiilang ako pero hindi ko pinapakita. Hindi ako umakyat sa stage pero umupo ako sa pinakaharap na upuan.
" You're really good Cervantes" kalmadong sabi ko pero sa totoo lang naiilang parin ako sa mga tinging pinupukol nito saakin. " Can you play for me?"
I know naman na makapal na ang mukha ko pero gusto ko lang na maramdaman kung paano tugtugan ng isang Thayer Cervantes habang ako at siya lang ang taong nandito. 'Yong feeling na ikaw lang ang makakarinig at makakakita sakanya.
Hindi naman ito sumagot saakin pero tumayo siya. Akala ko aalis na siya pero bumalik ito at may dala ng saxophone . Inayos nito ang upuan para makaharap siya saakin ng maayos.
"Treat me to lunch tommorow, Ma'am. My service is not free" napangiti naman ako dahil mas pabor saakin ang hinihingi niya.
" Sure. Irerecord ko para naman worth it ang libre ko bukas" nakangiting sabi ko at kinuha ang cellphone ko at tinapat sakanya para kuhanan ulit ng video.
BINABASA MO ANG
Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED|
RomansaSERIES 2 ProfxStud relationship