Giselle
Gabi na pero hindi pa rin tumatawag si Thayer. Hindi ko alam kung anong nangyari pero mukha ngang emergency dahil nagmamadali sila kanina.
Naiinis pa nga ako doon kay Grace dahil halata masyado sa paglalandi sa girlfriend ko.
Sarap isampal sa mukha niya na girlfriend ko ang nilalandi niya.
But anyway, my Sunny told me that she love me kaya kumalma din agad ako.
I texted her good night bago ako natulog. Wala akong nakuhang reply at mukhang may ginagawa pa siya.
Nagising ako kinaumagahan at tiningnan ang phone ko kung may reply ba siya pero wala. Agad na nalungkot ako. Busy kaya siya? Ano kayang nangyari?
Napatingin ako sa tabi ko nang may gumalaw. Muntik na akong sumigaw pero mabuti nalang ay naaninag ko kung sino.
Tumingin ako sa kabuuan niya at suot na nito ang damit ko. Kinuha niya siguro sa closet ko. Kagabi pa ba siya dumating?
Hindi niya man lang ako ginising at hindi ko namalayan ang pagdating niya.
Napatitig ako sa mukha niya. Walang pimples. Ano kayang skin care niya? Pero panis ang skin care niya kapag ako nag-care sakanya.
Kinilig ako sa sariling banat ko. Hindi ko alam na ang corny ko pala.
Mukhang puyat siya kaya hindi ko na ginising at bumangon nalang. Napatingin ako sa wall clock at alas sais palang naman. 10 pa ang klase namin. Nagmouth wash lang ako bago lumabas at pumunta sa kusina. Gusto ko siyang ipagluto kaya iyon ang ginawa ko.
Kumakanta pa ako habang nagluluto. Ganito pala ang feeling ng inlove. Para kang lumulutang sa alapaap. Para kang nasa cloud 9.
Napatalon ako ng konti nang biglang may yumakap sa bewang ko pero agad ding kumalma nang makilalang si baby ko ang yumayakap saakin.
" Magandang umaga, Mahal"
Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Agad na humarap ako sakanya.
" Ano ulit sinabi mo?" I asked. Akala ko hindi na niya uulitin pero malapad na ngumiti siya saakin at hinawakan ang pisngi ko at binigyan nang mabining halik sa labi. Tumagal 'yon ng ilang minuto kaya pareho kaming hiningal nang bumitaw siya.
" Sabi ko magandang umaga, Mahal. I just realized na masarap sabihin ang mga salitang iyan lalo na kapag tagalog. Ramdam mo kasi sa bawat salita ang nararamdaman ng isang tao"
Napangiti ako. " Ikaw kasi lagi kang umienglish eh"
Natawa siya at siniksik ang mukha sa leeg ko kaya medyo nakikiliti ako.
Parang may iba sakanya ngayon. Ang extra sweet niya.
"May nangyari ba? Ang sweet mo ata ngayon baby" I asked and hug her.
Hindi ito nagsalita bagkus ay niyakap lang ako. Alam ko talagang may kakaiba sakanya ngayon.
"I love you, Rye"
Malapad na napangiti ako. I love that. Ang sweet pakinggan ng second name ko mula sa bibig niya.
" And I love you so much Fluer"
Umalis ito sa pagkakahilig sa crook ng neck ko at tiningnan ako sa mata.
I saw the love and admiration on her fascinating orbs. It makes my legs weak.
"Hindi ko ba nasabi sayo kung gaano ka kaganda? You shine like the moon on a clear midnight-so bright and beautiful. My moon, you truly light up my world."
![](https://img.wattpad.com/cover/261723510-288-k890120.jpg)
BINABASA MO ANG
Little do you know (Valle d'Aosta Series) |COMPLETED|
RomanceSERIES 2 ProfxStud relationship