Seven Walschots became orphaned at the age of thirteen. She grew up without knowing her mother since the day she was born. The thought of having no mother guiding her in her whole life is hard for her. Getting jealous of the kids in town who'd get to bond with their mothers while she didn't even had a glimpse of her mother. Simula nang namulat s'ya sa kamunduhan ay hindi n'ya maiwasang hanapin ang kan'yang ina. Nagtatanong s'ya sa kan'yang ama ngunit kahit isang salita ay wala itong maisasagot sa kan'ya. Umaalis madalas ang kan'yang ama, leaving her alone inside their house without worrying of what might happen to her in their house. Hindi n'ya alam kung saan ito nagpupunta at madalang umuwi na parang walang anak na naghihintay sa kan'ya. Seven learned how to ignore it pero hindi pa rin n'ya maiwasang mag-aalala para sa ama.
At a very young age, she learned how to earn for a living. Wala ang kan'yang ama parati at ayaw n'yang umasa sa kan'yang tiyuhin na ang paghahanap buhay lang din ay ang pagtatanim ng mga gulay at prutas sa kan'yang malawak na hardin. Kaya naman imbes na paging palamunin ay tumutulong s'ya sa pagbenta ng kanilang mga gulay at prutas sa bayan.
Papauwi na sana sina Seven sa kanilang bahay at inililigpit na ang kanilang mga gamit ay biglang dumating ang kan'yang tiyuhin at sinabi ang pagkawala ng kan'yang ama. Seven cannot seem to process it all pero natagpuan n'ya ang kan'yang sarili sa tanggapan ng punong kawal ng bayan. Hindi na n'ya pinansin ang tila mabigat na bagay sa kan'yang dibdib at ang nasa isip n'ya lang ay ang paghingi ng tulong para sa kan'yang amang nawawala. Ngunit tila walang pakialam ang punong kawal at hindi pinansin ang batang si Seven sa kan'yang dinulog.
"Kung nawawala man ang iyong ama ay wala na kami doon. At bakit mo pa nga ba sinusubukang humingi ng tulong para sa ama mo? Sa pagkakaalam ko ay wala namang pake sa'yo yun. Umalis ka na lang, bata. Babalik din ang tatay mo kung gugustuhin n'yang bumalik. Nakaaabala ka sa pagtatrabaho ko."
Tila lumulutang si Seven palabas ng tanggapan ng punong kawal. Hindi n'ya inaasahan na iyon ang magiging sagot sa kan'ya ng punong kawal. Ito ang unang beses n'yang humingi ng tulong sa mga alagad ng batas. Pero sa unang subok n'ya pa lamang ay nagpapahiwatig na ito na hindi sila handang tumulong sa kan'ya. They seem to consider it as a small problem since Steven Walschots, Seven's father is known to explore different places looking for something. Kaya ang pagkawala nito ay tila hindi nakapaggigimbal sa mga kawal.
Para sa kanila ay nag-iinarte lang si Seven para mapauwi agad ang kan'yang ama. Maliit na problema kaya hindi sila interesadong tulungan ito.
Nahihiya si Seven sa hindi malamang dahilan. Hindi n'ya alam kung dahil ba ito sa pagtanggi ng punong kawal na tulungan s'ya o ang paghingi ng tulong kung ang iniisip ng iba na ligtas ang kan'yang ama.
"Anong sabi ng Punong Kawal, Seven?"tanong sa kan'ya ni Laxus-- ang kaibigan n'ya na sinamahan s'ya sa pagpunta sa opisina ng Punong Kawal. Napansin n'ya kaagad ang pagiging tahimik ni Seven at pagiging tulala nito. "Hoy, ano na?"
Dahan-dahan s'yang tiningnan ni Seven at napasinghap pa ito nang makitang walang emosyon ang mga mata nito. May luhang nagbabadya hanggang sa unti-unting dumausdos sa kan'yang pisngi.
"Seven, hoy. Bakit ka umiiyak?"natatarantang tanong ni Laxus.
"Simula ngayon, Laxus, ayoko nang humingi ng tulong mula sa iba," mababakas ang kalungkutan sa boses ni Seven habang binibitawan ang mga katagang iyon. It was her father they were talking about. Kahit pa sabihing walang pakealam sa kan'ya ang kan'yang ama ay hindi mabubura ang katotohanang ama n'ya pa rin ito. Posibleng napalayo lamang ang kan'yang ama ng napuntahan pero mas malaki ang posibilidad na napahamak na ito. Hindi nila alam ang panganib na nag-aamba sa kasuluk-sulokan ng kanilang mundo. Baka may masamang nangyari na sa kan'yang ama sa mga oras na ito.
Agad na dinaluhan ni Laxus si Seven upang patahanin. "Shh, tahan na. Baka ligtas lang ang Papa mo. Hintayin na lang natin na bumalik s'ya. Siguradong babalikan ka ng Papa mo, Seven. Maniwala ka sa akin. Huwag ka ng umiyak."
BINABASA MO ANG
The Chosen
FantasySeven Walschots makes herself as a proof that not all seven means luck. At a young age, she lost her one trusted friend after the reported disappearance of her father. She spent her five years of looking for her only left parent but for some reason...