Seven's Point of View.
"Kailan ba lumambot ang ulo mo,Pito,ha? May sugat ka pala,bakit hindi ka gumanti ng saksak sa sumaksak sa'yo?"
Agad kong nasapok ang ulo ni Laxus sa sinabi n'ya. Nandito kami sa cafeteria at kumakain ng meryenda. Nagkasalubong kami kanina sa hallway nang palabas na sila dahil tapos na ang klase nila that's why I excused myself from Yzair to go with Laxus. At isa pa,I am not quite comfortable around Yzair. Pakiramdam ko ay kailangan kong maging maayos kapag nasa paligid s'ya and I hate pretending that I am prim and proper around someone I am not comfortable with. I mean,sure I need to have manners but faking your comfort is just out of the topic.
"Sira ka. Kung gumanti ako,edi pareho kaming na-guidance dalawa." irap ko sa kan'ya bago kumagat ng sandwich na binili n'ya para sa akin. "And hello? Kapag na-guidance kaming dalawa,makakasama ko s'ya sa detention room. At kapag nagkasama kaming dalawa sa detention room,chances are high na magkakasagutan kami. At kapag nagkasagutan kami,s'yempre matitrigger ako. At kapag natrigger ako,mag-aaway lang din kami. 'Di hamak na mas malakas naman ako sa kan'ya."
"Ang yabang mo naman!" singhal n'ya sa akin kaya muli ay napairap ako. "You two can't fight inside the detention room,bulok. The room has a restriction spell to use your abilities kaya pareho lang kayong mapapagod."
Umismid ako. "And who told you I'll use my ability?"
Pinandidilatan n'ya ako ng mata bago n'ya ako inirapan kaya natawa ako. "Yabang." bulong n'ya kaya proud ako kunyareng tiningnan s'ya. Nag-amba s'yang babatuhin ako ng isang piraso ng fries pero mabilis ko iyong sinambot at diniretso sa bibig ko.
"H'wag na h'wag kang magsasayang ng pagkain dahil maraming nagugutom sa bayan ng Linville,sinasabi ko sa'yo."banta ko sa kan'ya. He just hissed kaya umirap ako.
"Anyways,sino ba 'yung babaeng sinasabi mong sumaksak sa'yo?"masungit n'yang tanong bago iniikot ang straw sa mango shake n'ya. Nilunok ko muna ang nginunguya ko bago sumagot.
"Reign Adhere yata full name n'ya."simpleng sagot ko bago muling kumagat sa sandwich ko. Kita ko ang pagkunot ng kan'yang noo.
"Reign Adhere? Anak s'ya ng isa sa mga konseho ng Lanham if you're not aware."
Natigil ako saglit. "Oh really? Wala sa manners n'ya ang maging anak ng isang miyembro ng konseho." pagtataray ko sa kan'ya. "At isa pa,of course I am not aware that she's a daughter of an elite. Wala sa kilos. Magkapareho sila ni Erin."
Halos magtagpo ang mga kilay n'ya at mataman akong tiningnan. "Erin who? Roscoe?" tanong n'ya kaya tumango ako. "Na-encounter mo na si Erin Roscoe?"
Tumango ulit ako.
"How? When?"
Bored ko s'yang tiningnan. "She just appeared out of nowhere and insult the hell out of me. Hindi ko lang talaga magets ang inirason n'ya sa akin kung bakit n'ya ako kailangang pagsalitaan ng maanghang. She's looking at me lowly dahil lang tagabayan ako. Pambihira."
"Ginawa n'ya 'yun?"batid ko ang bahagyang pagkagulat sa boses n'ya. Napasandal ako sa upuan ko at uminom ng tubig na binili n'ya rin para sa akin.
"Why would I even lie to you? Don't tell me na mabait ang pagkakakilala mo sa kan'ya?"muling pagtataray ko dito. Napaisip s'ya sa sinabi ko ng ilang segundo bago ako muling tiningnan.
"You know,I don't really get to have an interaction with her since we are on a different standing here inside the academy. Pero dito sa loob ng academy,she's the embodiment of the word prim and proper. Kaya nagulat na lang akong marinig mula sa'yo na magaspang ang ugali n'ya pagdating sa'yo." mahabang paliwanag n'ya dahilan para sariling kilay ko naman ang muntikang magdikit.
BINABASA MO ANG
The Chosen
FantasySeven Walschots makes herself as a proof that not all seven means luck. At a young age, she lost her one trusted friend after the reported disappearance of her father. She spent her five years of looking for her only left parent but for some reason...