Seven's Point of View.
It is five in the morning when me and my dormmates are being called by Sir Blade Partons for a morning workout. It is Saturday and I thought,makakabawi ako ng pahinga dahil buong linggong bugbog ang katawan ko. Pero nagkamali ako,dahil nang nasa kalagitnaan ako ng pagtulog ay bigla na lamang tumunog nang napakalakas ang alarm clock sa loob ng dorm namin kasunod ang boses ni Sir Blade. Kaya kahit humihikab ay pilit akong bumangon at naghilamos bago nagbihis ng damit para sa work-out.
Binigyan kami ng oras para mag-unat bago pinatakbo ng limang beses paikot sa field. Panay naman reklamo si Lily na nasa hulihan.
"Oh,my God. Hindi ko na kaya. Gusto ko ng uminom ng tubig." rinig kong reklamo nito na nahuhuli sa amin sa pagtakbo. Justin and I are in the same lane while Alexander and Xandra are at our back. Walang nagsalita sa amin at tanging si Lily lamang ang panay salita. "Ano ba? Hindi ba kayo pagod?"
"Pagod rin,Lils. Pero sa ginagawa mong maya't maya ang pagrereklamo,talagang mabilis kang mapapagod." seryosong sabi ni Justin na nasa tabi ko lang. I silently agreed at nagpatuloy sa pagtakbo.
"Pa'nong hindi ako magrereklamo e pagod na pagod na ako!" sagot nito. Napailing na lamang ako.
"Tumahimik ka muna,Lily. Hindi lang naman ikaw ang pagod."mababakas ang inis ni Alexander habang sinasabi iyon. "Nakaapat na lapses na tayo. Tiisin mo nalang at tumahimik ka d'yan. Hindi sa lahat ng oras,kailangan mong mag-ingay."
Naramdaman ko ang biglaang pagbigat at atmosphere sa pagitan nilang tatlo. Ramdam ko din ang pagod nila dahil sa tingin ko ay hindi sila sanay sa ganitong gawain araw-araw. Lalong-lalo na si Lily na sa napapansin ko ay hindi naman physically fit. At ngayong mabigat ang tensyon sa amin ay sigurado akong ganun din ang nararamdaman ni Lily.
Naging tuluyan ng tahimik ang pagtakbo namin hanggang sa matapos kami. Binigyan kami ng sampung minutong pahinga kaya halod laklakin na ni Lily ang jar mg tubig na nakahanda sa gilid ng field kung saan nakapuwesto si Sir Blade.
"The Headmaster also wants you five to train kahit ang isa sa inyo ay kabilang na sa Chiefs. Dahil kayo pa rin ang magiging kagrupo ni Miss Walschots outside the Group of Chiefs. She may be the Freshman Chief but the fact that she first belongs to the Top Five makes her your Team Captain. She was trained in advance and she exceeds a lot. Kinakailangan kayong i-train dahil ang grupo ng Top Five ang magiging substitute ng GOC kung sakali mang busy ang linya ng mga ito. Hindi pupuwede ang grupo ng Seniors dahil nakatutok sila ngayon sa mastery ng abilities nila. You guys need a lot of improvement so we decided to make svery Saturdays your training day. Are we all clear?" striktong sabi ni Sir Blade habang nagpapahinga kami. Nagulat ako. Bakit naman ako naging Team Captain bigla? Wala akong matandang may nag-inform sa akin sa bagay na ito. Napailing ako. Ang hilig ng Admin sa mga surprises. Ang dami ko na tuloy responsibilidad.
"Sir,kung magiging Team Captain namin si Seven,mahahati po atensyon n'ya sa responsibilidad niya bilang isang Chief at Team Captain namin. Knowing that being a Chief is quite a task po tapos magiging Captain pa po namin s'ya. Sa tingin ko po ay maiipit po si Seven sa amin at sa grupo ng mga chief." magalang na pahayag ni Justin pagkatapos magpaliwanag ni Sir Blade. I silently agreed. Mukhang mahihirapan nga ako doon. Bakit ba kasi hindi muna nila ako tinanong tungkol sa bagay na ito.
"Oo nga po. Tsaka,estudyante pa rin po s'ya. May tungkulin din po s'ya bilang isang estudyante." segunda ni Xandra at tiningnan ako. Pakiramdam ko ay hinaplos ang puso ko sa pag-aalalang ipinapakita nila sa akin. Ngitian n'ya ako kaya ngumiti ako pabalik bago nagpasalamat nang tahimik.
Sir Blade sighed. "Hindi maaaring alisin si Seven sa Top Five. Nakasaad na iyon sa kontrata ng scholarship n'yo dito. Kahit maging isa s'ya sa mga Chief,may responsibilidad pa rin s'ya sa grupo n'yo. She must lead you because that's what a Top One should do. At sa tingin ko naman ay kakayanin n'ya ang tungkulin n'ya. Knowing that she aced almost of this week's lessons. The more she aces,the lesser she should pay attention to the class at magfocus sa bagay na hindi n'ya na-ace. And if she aces them all,she'll be a full-time Top Five Team Captain and the Freshman Chief." muling paliwanag nito.
BINABASA MO ANG
The Chosen
FantasySeven Walschots makes herself as a proof that not all seven means luck. At a young age, she lost her one trusted friend after the reported disappearance of her father. She spent her five years of looking for her only left parent but for some reason...