02: The Test

1.8K 102 1
                                    

Seven's Point of View.

Araw ng pasulit sa Akademya ng Hillsdale. Sa loob ng akademya gaganapin ang pasulit para sa mga susubok para maging estudyante ng Hillsdale nang walang binabayaran kahit ano. Sa madaling salita, scholar.

This has nothing to do with finding my father. Gusto kong ipagpatuloy ang naudlot na edukasyon ko sa bayan. I attended the secondary education in the town. And to continue my education, I need to try a shot with this scholarship. Mahirap man ay may pangarap pa rin ako. Ayokong maging mahirap kami panghabang-buhay. At least, I will be able to finish my studies and big opportunities are waiting for me as soon as I finish studying at Hillsdale. At isa pa, edukasyon lang ang natatanging yaman ng isang tao na hindi nananakaw.

Pinagpagan ko ang suot kong pantalon nang makatayo ako sa upuan kung saan ako naghihintay para tawagin. This test is an individual performance. Kung noon, sa isang arena gaganapin, ngayon naman ay ang mga opisyales mismo ng paaralan ang manonood sa'yo na ipamalas ang kakayahan na tinataglay mo sa loob ng isang silid. Hindi ko alam kung bakit nabago. Basta kailangan ko na lang sumunod sa kanila.

"Miss Seven Walschots," bungad sa akin ng isang babae na naghihintay sa pintuan ng silid kung saan ginaganap ang test. "Susunod ka na. Let's just wait for the previous one to go out," nakangiting sabi nito kaya sinuklian ko s'ya ng tango at tipid na ngiti.

Ilang segundo ang hinintay ko bago lumabas ang isang babae na punit-punit ang damit at gulong-gulo ang buhok. Para s'yang wala sa sariling naglalakad palabas kaya hindi ko maiwasang mapalunok sa nakita. Mukhang pahirapan nga talaga ang pagpapasok dito.

"Pasok ka na."

Nginitian ko ulit ng tipid ang babae kanina bago ako tuluyang pumasok sa loob. Isang puting silid ang bumungad sa akin. Wala akong nakikitang sulok pagkat puti ang lahat ng nandito. An empty white room to be exact. How did that girl end up looking like that?

Inilibot ko ang paningin ko sa loob. Napatigil na lamang ako nang biglang may nagsalita. Ako lang mag-isa ang nandito sa loob. I guess, someone has an ability to deliver a sound anywhere he wants to. I just don't know what it is called.

"Ms. Walschots, for this test, you'll be put into an illusion and all you have to do is survive. We will switch off the illusion as soon as you reach the limit. The limitation of your ability or the time. We want you to not mind the two when you're already inside. Survive and gather points. Am I making myself clear, Miss Walschots?"

I can't help but to take a gulp after what the voice said. It's just weird to be spoken to without seeing the speaker.

"Y-Yes," sagot ko. Kinakabahan ako.

"Alright. Get ready."

I took a deep breath when I felt a force passed through my body. Muntik pa akong madala kung hindi ko lang nalagyan ng puwersa ang mga paa ko na nakaapak sa sahig.

The white room was replaced by another environment. Isang gubat. Gubat ang napili nilang paglagyan sa akin. Tall trees, sound of the birds chirping, and mind you, it's dark in here. Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay s'yang pagtunog ng mga tuyong dahon sa paligid. Sanay ako sa mga gubat dahil kalapit-gubat ang tinitirhan namin, but this forest gives off an eerie feeling. Pakiramdam ko ay ang bigat ng atmosphere dito.

Naging alerto ako nang makarinig ng mahihinang kaluskos sa paligid. Hindi ako nag-iisa dahil ramdam ko ang mabibigat na presensya ng mga lobo na nandito. I sharpened my senses enough for me to hear their breaths and low growls.

Survive and gather points. Anong ibig nilang sabihin sa huli?

Mabilis akong napadapa sa lupa nang biglang tumalon sa direksyon ko ang isang lobo. Maitim ang kan'yang balahibo at naglalaway s'ya. Damn it. I didn't know that we'll fight for our lives for that damn test na wala namang kasiguraduhan na makakapasa kami at makapasok sa Hillsdale!

The ChosenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon