14: Section Knights

1.4K 95 0
                                    

Seven's Point of View.

Kasalukuyan kaming kumakain dito sa cafeteria ng pananghalian. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kani-kanina lang. I was left with no choice but to accept the offer. Napag-isipan ko nang maayos ang offer na iyon sa loob ng limang minuto. Ang unang pumasok sa utak ko ay ang kagustuhan kong umangat kahit dito man lang sa loob ng paaralan. In that way,I can have an access to the school administration na nakakonekta sa Konseho ng Lanham. Dahil may katungkulan ako. Ang kailangan ko nalang gawin ay gawin ang responsibilidad ko bilang isa sa mga miyembro ng Group of Chiefs ng Hillsdale Academy.

Napailing ako sa iniisip ko. Edukasyon ang ipinunta ko rito. Pero higit pa roon ang nakukuha ko.

"Bakit nga pala gutay-gutay ang damit mo,Sev?"

Naiangat ko ang tingin ko kay Lily nang magtanong s'ya. Ngayon lang ako natauhan na hindi pa pala ako nakapagpalit ng damit. Gutay-gutay ang damit na binigay sa akin ni Justin kanina kaya hinubad ko iyon bago kami kumain. Nanatiling ang crop top ang pantaas ko at agaw-pansin na ngayon ang benda na nasa tagiliran ko dahil nakausli ito. Bigla akong hindi naging komportable sa isiping iyon.

"Napasabak kami kanina sa matinding traning ng Physical Combat at Ability Enhancement. Nadali ako ng isang lobo kaya nasira 'yung damit." pagkukuwento ko bago isinubo ang isang kutsarang kanin at ulam. Biglang nanumbalik ang gutom ko kanina mula sa training.

"Hala? Pinagsabay?"gulat na tanong ni Lily. Puno ang bibig ko kaya siniko ko si Justin para s'ya ang sumagot. Tutal,magkaklase naman kami kanina sa subject na iyon.

"Napagkasunduan kasing pag-isahin ang subject na iyon since magkaklase kaming lahat sa subject na iyon at same lang din kami ng instructors. That was quite a training kaya bakante kami ngayong hapon para sa pahinga. Hindi ko alam kung bakit sobrang advance ng training dito. Samantalang sa paaralan sa Minneapolis ay ang training na ginagawa namin doon ay purong pisikal."natatawang pahayag n'ya.

"Ngi! Sa amin nga ay basic education tsaka livelihood. Crafts making,ganun."sagot ni Liliy bago sumubo ng pagkain at binalingan ang kambal. "Sa inyo ba?"

Uminom muna si Alexander bago sumagot. "Sa amin naman,tinuturuan kami nang maaga kung paano magdala ng sandata. Wala doon ang pag-aaral ng abilities at pagpapalago nito. Medyo mababa din ang kalidad ng edukasyon doon dahil kagaya nila Lily,basic education lang din at pag-aaral ng sandata."

"Hindi kami nakuntento doon kaya nagtake kami ng scholarship dito. Nagamit naman namin ang kaalaman sa pag-aaral doon kaya nakapasa kami." masayang dugtong ni Xandra sa sinabi ni Alexander. Bigla silang nag-high five dalawa kaya napangiti ako.

"E,sa inyo,Sev?"tanong ni Lily.

"Agriculture." tipid na sagot ko.

Nagpatuloy sila sa pagkukuwentuhan habang kumakain. Nakikinig lamang ako at tumatawa kapag nagkakabiruan. Bumabawi ako ng kain dahil dalawang meal ang hindi ko napagtuonan ng pansin. Kaya naman ay hinahayaan ko lang sila.

"Ano nga palang sinabi sa iyo ni Sir Pete tungkol sa acceleration? Para saan 'yun?" curious na tanong ni Justin nang dumaan ang katahimikan. Nakuha niyon ang atensyon ng tatlo na napatigil sa pagkagat ng kani-kanilang pagkain. Nakakatawa tuloy.

"Teka? Acceleration? Para saan?"nagtatakang tanong ni Lily.

I stook a sip from my water first before speaking. "I was offered to be one of the Chiefs of Divisions to represent the freshmen. At ang training namin kanina ay ang pagsubok na ibinigay nila sa'kin para sa acceleration."

Namilog ang mga mata ni Lily. Kalaunan ay napalitan ito ng hindi ko mapangalanang emosyon.

"Hala. Nakakainggit naman."busangot nitong sabi. "Bakit daw?"

The ChosenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon