19: Her Visit

1.3K 91 8
                                    

Seven's Point of View.

Our training yesterday was beyond exhausting. It was indeed energy-draining. Kaya ngayon ay bagsak na bagsak ang mga kasama ko. Sigurado akong nabugbog ang mga katawan niyon sa naging training namin kahapon. Halos magdadapit-hapon na rin noong matapos kami dahil sa dami ng ginawa namin. Kaya ngayong oras ng agahan ay ako lamang ang kumakain. All of them are still inside their room,maybe sleeping or taking their rest. Kahit ako ay masakit ang katawan dahil kahapon. Pero nakakaya ko naman. It was almost the same training I had with my Uncle kaya medyo nasasanay na ako sa ganoon. And speaking of Uncle,I got up early today to visit him since today is my free day. Naggayak na rin ako nang maaga para maaga akong makapunta doon. Pero bago 'yun ay pinaghanda ko muna ng sopas ang mga kasama ko. I'm pretty sure they can't get up early kaya napagpasyahan kong hatiran sila ng pagkain sa kani-kanilang k'warto maging pain reliever na binigay pa sa akin ni Nurse Jen.

Nauna kong hatiran ang kambal at si Lily. They're still asleep kaya naglagay ako ng note sa bedside tables nila kasama ng sopas at gamot. And when I knocked at Justin's door,a hoarse voice of him told me to come in.

I smiled when I opened the door. "Morning,Tin."bati ko rito. Ginantihan n'ya ako ng ngiti at pilit na umupo mula sa pagkakahiga.

"Good morning,Sev." bati n'ya. Dumapo ang tingin n'ya sa dala-dala kong tray. "Breakfast?"

Tumango ako at hinayaang nakabukas ang pinto at agad na nagtungo sa mesa katabi ng kama n'ya.

"I made a soup. Alam ko kasing bagsak kayong lahat dahil late nagising kaya naghanda na ako. Nadalhan ko na rin ng pagkain ang tatlo maging ng gamot." sagot ko rito habang nilalapag ang tray bago bumaling sa kan'ya. "Are you fine? Can you get up?"

He smiled before clearing his throat. "Ang sweet naman ng Team Captain." biro nito kaya natawa ako.

"I just want to check on you lalo pa't subsob tayo sa training kahapon. And I made sure na hindi na kayo lalabas para kumain. Aalis ako ngayon kaya naghanda na ako ng pagkain sa kusina. That was for lunch. Para 'di na kayo bababa pa sa cafeteria. That would be tiresome." I said.

"Sa'n punta mo?"nagtatakang tanong nito.

"Bibisita ako sa Uncle ko. Free day naman ngayon."tipid kong sagot at hinanda na ang pagkain para sa kan'ya. I handed it to him na tinanggap naman n'ya.

"Ganoon ba?"tanong n'ya na tinanguan ko na lang. He took a sip on the soup. "Salamat nga pala. You cook really good."

I stayed for a while hanggang sa matapos s'yang kumain. He said he wanted to take a rest kaya iniwan ko na s'ya sa k'warto n'ya dala-dala ang pinagkainan n'ya.

It's already seven-thirty in the morning when I decided to go out wearing my usual get up. You already know. Tank top,skinny jeans,lace up boots and a flanel. I am excited to go home today.

Sa kalagitnaan ng hallway ay nakasalubong ko si Laxus na nanggaling sa loob ng cafeteria. When he saw me,he immediately run into my direction.

"Bihis ka,ah? Sa'n punta mo?" bati nito sa akin nang makarating sa harap ko.

"Bibisita ako kay Uncle." nakangiting sagot ko rito.

"Talaga? P'wedeng sumama?"

"Libre ka ba ngayon?"

Paulit-ulit s'yang tumango kaya hinila ko na s'ya palabas ng gate. Since may kalayuan ang bayan ng Linville dito sa Centro,napagpasyahan naming sumakay sa sasakyan para mapabilis ang pagdating namin. While on our way,panay lamang kami kwentuhan sa kung ano ang mga ginagawa namin dati. And while reminiscing our past,hindi namin namalayan na nakarating na pala kami sa sentro ng Linville. Dumiretso kami sa gulayan kung saan kami may puwesto pero wala doon ang mga gamit ni Uncle. Tanging ang mesa lamang nito. Hinuha ko ay hindi nagbebenta ngayon si Uncle kaya dumiretso kami sa bahay.

The ChosenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon