Seven's Point of View.
I grabbed my remaining time to wander around the school. Malawak ang paaralan at nakakapagpadagdag sa ganda nito ang mga bulaklak na maayos na nakaarrange sa bawat gilid. It has a huge fountain at the center before the cafeteria. There are countless of enourmous buildings around. Dorms, classrooms, rooms, etc. I can't help but to think: Ang rangya-rangya ng buhay ng mga estudyante ng paaralang ito. They've spent a fortune for this school habang kami sa bayan ay kailangan pa sigurong magkandakuba sa pagtatrabaho, hindi afford ang pag-aaral dito. Kahit pa siguro ibenta namin ang lupain ni Uncle ay hindi pa rin ako makapagtatapos dito. Good thing a scholarship is offered. Many from the town grabbed the opportunity. Kung hindi man ako makapasa, at least one from the town will. It will surely be a pride of ours.
I saw the guards nod as I passed by the front gate. Bukas ang paaralan ngayon dahil sa test na gagawin. Kung hindi man ako makapasok, at least malibot ko ang Hillsdale Academy. Natawa ako sa sarili kong iniisip.
Mahaba-habang lakarin patungo sa bayan kaya naisipan kong gamitin ang kapangyarihan ko upang mapabilis ang pagdating doon. Papalubog na ang araw kaya baka gabihin ako sa pagdating kung maglalakad ako. I can grab a transportation pero wala akong dalang pera. Hindi ko pa p'wedeng bawasan ang ipon ko.
The town is again busy. Everyone's shouting their goods, inviting the customers to buy. May mga nagkakantahan sa gilid gamit-gamit ang kanilang mga istrumento, nagpeperform para sa madla. Ayoko sa maiingay pero nakasanayan ko na rito. Besides, ito na ang kinalakihan ko.
Nangunot ang noo ko nang makitang wala na si Uncle sa puwesto n'ya. Nakaligpit na ang mga gamit maliban sa mesa na hindi inaalis dahil babalikan din naman kinabukasan.
"Si Joseph ba ang hinahanap mo, hija?"
Napalingon ako sa isang matandang babae na kumalabit sa akin. May dala-dala s'yang tinapay na mukhang bagong luto kaya hindi maiwasang kumalam ang sikmura kong kaninang tanghali pa walang laman. Ngumiti ako nang tipid at bahagyang yumuko upang magbigay-galang sa kan'ya.
"Opo. Nakita n'yo po ba s'ya?"magalang kong tanong sa kan'ya at hindi pinansin ang gutom ko.
"Oo. Katulad ng dati ay mabilis na naubos ang kan'yang paninda. May isang binata kasi na binili lahat ng iyon. Sigurado akong nakauwi na iyon,"magiliw n'yang saad kaya hindi nawala ang ngiti sa akin.
"Ah, sige po. Salamat,"sabi ko na ginantihan n'ya ng ngiti bago nagpaalam na aalis na. Nakangiting inihatid ko s'ya ng tingin sa paroroonan n'ya.
Napagdesisyunan kong magtungo na pauwi para makausap si Uncle tungkol sa biglaang pag-alis kanina nang walang paalam. Paggising ko kasi kanina ay wala na siya sa bahay at nag-iwan na lamang ng agahan sa mesa. Kaya umalis na lang ako at nagtungo sa akademya nang maaga para maaga ring matapos sa test. Pero inabot nga lang ng takip-silim dahil sa paglilibot ko sa paaralang 'yon.
Nakarating ako ng bahay at tama nga ang sinabi ng ale kanina. Bukas na ang ilaw ng aming bahay at may lumalabas na usok na nagmumula sa kusina. Uncle must be cooking.
"How is she po?"
Akmang itutulak ko na ang pintuan para pumasok nang marinig ang isang boses na ngayon ko lang narinig. It's a man's voice at sigurado akong hindi kay Uncle 'yon. Mas lalong hindi kay P-Papa...
"Okay naman, hijo. Alam mo bang alam na n'ya ang kapangyarihan n'ya?"rinig kong magiliw na kwento sa kan'ya ni Uncle.
Ako ba ang pinag-uusapan nila?
"Talaga po?"
"Ay, oo. Nakakatuwa nga't mabilis n'yang nagamay ang kapangyarihan n'ya. Teka, anong oras na ba?"
BINABASA MO ANG
The Chosen
FantasySeven Walschots makes herself as a proof that not all seven means luck. At a young age, she lost her one trusted friend after the reported disappearance of her father. She spent her five years of looking for her only left parent but for some reason...