Seven's Point of View.
Ika-anim ng umaga nang matapos ako sa pagtakbo paikot sa buong taniman ni Uncle. May kalakihan ang taniman n'ya sapagkat nakatanim doon ang iba't ibang uri ng gulay na itinitinda n'ya sa bayan. The plants were planted on the crops neatly. Pinasadya ni Uncle na lagyan ng daan paikot doon para sa training namin. At ang pagtakbo sa bawat umaga ay nakagawian ko nang gawin bago simulan ang araw ko.
Bago ako umuwi sa bahay ay umakyat muna ako sa isang puno ng mangga at pumitas ng limang hilaw na mangga doon. Nangangasim kasi ang panga ko habang nakatingin sa mga masasaganang pananim ni Uncle lalo na dito sa mangga na mukhang malutong.
"Ilang rounds ginawa mo?" bungad sa akin ni Uncle nang makapasok ako sa kusina para hugasan ang pinitas ko. He's already preparing our breakfast habang ako ay maghahanda na ng sarili ko.
Dalawang araw na ang nakalilipas simula ng magpunta si Laxus dito sa bahay. At sa loob ng dalawang araw na iyon ay hindi ako tinanong ni Uncle tungkol sa kan'ya. Maybe, nakaramdam s'ya na hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko sa kan'ya. Alam din naman n'ya na ayaw akong kinukulit ako sa mga bagay na iyon. Mabilis mag-init ang ulo ko.
"Pito yata kung hindi ako nagkakamali,"sagot ko sa kan'ya. Binabalatan ko na ang mangga at sa amoy pa lamang ay ramdam ko na ang asim sa panga ko.
"Mabuti kung ganun,"he replied na tinanguan ko. "Maligo ka na pagkatapos n'yan. Pero kumain muna tayo ng agahan bago ka kumain n'yan, maliwanag?"
"Opo."
Nakapaghanda na ako't lahat at ngayon naman ay nasa hapag na kami at kumakain ng agahan. We've always been this silent kapag kumakain kaya komportable ako sa tahimik. Maliban nalang kung may mahalaga kaming dapat na pinag-uusapan. Kagaya na lamang no'ng nakaraan na ginawa kong pagtatanong tungkol sa Papa ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakukuhang lead. Sa bawat subok ay laging palya. Kaya minsan, nawawalan ako ng pag-asa na mahanap s'ya.
Ang sabi no'ng nag-take ako ng exam sa Hillsdale ay dalawa hanggang tatlong araw magmula sa pagkuha ko ng exam ay may dadating na sulat galing sa paaralang iyon. At hanggang ngayon ay hindi ko pa nasasabi kay Uncle ang tungkol dun. Kahit ang pag-aaral ulit ay hindi ko nabanggit sa kan'ya. Kaya hindi ko alam kung papayagan n'ya ako. Pero ayaw naman n'ya ay wala akong magagawa.
"Uncle," panimula ko. Agad ko namang nakuha ang atensyon n'ya pero hindi s'ya nagsalita na tila hinihintay ang gusto kong sabihin. Kinakabahan ako. "Nag-take ako ng test para sa scholarship ng Hillsdale."
He stopped eating at ibinaba ang hawak n'yang chopsticks. Oo, chopsticks. Kahit naman mahirap kami ay marami kaming alam na bagay. At saka, he's at times letting me use chopsticks when eating para macontrol ang pagkain ko. He's a lifestyle coach of mine.
Wala akong makitang emosyon sa kan'ya kaya napabuntong hininga ako. Baka hindi s'ya papayag.
"Alam ko,"mahinang sagot n'ya. Hindi na ako nagulat na alam n'ya. Kahit hindi ako magsabi ay alam n'ya. Pero ang iniisip ko ay kung papayag ba s'ya o hindi. 'Yon lang. Pero ayoko rin naman s'yang iwan na mag-isa dito. Ano ba 'yan, naguguluhan ako. Tumango ako sa sagot n'ya at hindi na nagsalita pa.
"Are you giving up on finding your father?"malamyos na tanong n'ya sa akin matapos ang mahabang katahimikan na namagitan sa amin. Napaangat ang tingin ko sa kan'ya. I cleared my throat first.
"Hindi naman po. Naisip ko lang po kasi na mas mabuting uunahin ko ang pag-aaral ko sa ngayon. Limang taon na tayong naghahanap at sa limang taon na iyon ay wala tayong napala. Hindi naman po siguro masama na unahin ko muna ang pangarap ko sa ngayon. Kung makapasa at makapagtapos man ako,mas madali na para sa atin ang maghanap sa kan'ya,"paliwanag ko sa kan'ya. I saw how he smiled at my statement. Ngiting nagmamalaki. Kaya hindi ko maiwasang mapangiti rin.
"I raised you well,"turan n'ya. Does this mean, papayag s'ya?
Bago pa man ako makapagtanong sa kan'ya ay nakarinig kami ng katok mula sa labas. Nagkatinginan kami ni Uncle bago ako tumayo nang tumango s'ya sa akin upang pagbuksan ang pinto.
"Magandang araw. Dito ba nakatira si Miss Seven Walschots?"
Nakahinga ako nang maluwag na makita ang isang mensahero sa labas. At first, I thought it was Laxus. Narinig ko kasi na sinabi n'ya na bibisita s'ya pero dalawang araw na hindi pa rin s'ya bumabalik. Paasa talaga.
"Ako 'yon," I politely said. Sinuklian n'ya ako ng malapad na ngiti bago iniabot sa akin ang sulat na nakalagay sa isang gintong envelope. It has a seal. The Hillsdale's seal.
"Sulat po para sa inyo,"sabi n'ya sa akin. I thanked him bago s'ya umalis. I looked at the envelope. Ito na ba yun?
"Oh, Seven. Ano raw 'yon?"
Napalingon ako kay Uncle nang lumabas s'ya galing ng kusina. I raised the envelope I got, showing it to him. His both eyebrows rose up as he went near me.
"Sa'n galing?"tanong n'ya. I handed him the letter for him to open.
"Sa Hillsdale daw."
"Oh? You passed?"
I just shrugged my shoulders bago s'ya nilampasan at nagtungo ng kusina. I haven't done eating yet kaya ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Uncle.
"Miss Seven Walschots, we would like to inform you that you passed the test taken last June 06 held at Hillsdale Academy. As part of the school's rules and regulations, you are obliged to stay at one of the dorms here throughout the duration of the scholarship offered to you. This is in exchange of the free education you will receive. Further information will be discussed during the orientation that will be held at the school grounds this coming June 10 in the morning after your arrival. Signed by Headmaster Reymond Trocher and the Council,"basa ni Uncle nang makasunod s'ya sa akin. He looked at me shortly before taking his gaze back at the paper. "Pretty cool."
I put down my chopsticks at uminom ng tubig bago s'ya sinagot. "What's cool about it? Kung do'n ako titira, maiiwan kita dito."
He sighed before folding the letter. "Ang sabi mo nga kanina, may pangarap ka. And here it is. Nakapasa ka and by just receiving this letter, you're halfway to your dreams, Seven. Sino ba naman ako para pigilan ka sa pangarap mo, 'di ba?"
Naupo s'ya sa harapan ko. I can feel an overwhelming feeling that made a lump on my throat, making my eyes heated up because of what he said. Wala akong nagawa kung 'di ang ngumuso para pigilan ang luha ko sa pagpatak.
"I am your guardian, Seven. And I am not going to hinder whatever your dream is. Instead, I'm giving you my full support and guidance while reaching your dreams. Okay?"mahinahong sabi n'ya bago ipinatong ang kan'yang kamay sa ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok ko. And this time, a lone tear escaped my eye. I'm so blessed.
"Thank you,"nangungusong sagot ko na ikinatawa n'ya.
"Dalaga ka na pero iyakin ka pa rin. Ikaw talaga,"natatawang sambit n'ya.
"Ikaw kasi, e,"sagot ko.
"Wala akong ginawa sa'yo. Bintangera ka, ha."
Natawa ako sa sinabi n'ya pero hindi na sumagot. Instead, pinahiran ko ang takas na luha ko.
"Now, finish your breakfast and rest for a while bago tayo magtraining saglit. Ikokondisyon natin ang katawan mo bago ka pumasok sa school bukas."
Tumango ako sa sinabi n'ya at mabilis na inubos ang pagkain ko.
Hindi man bumalik sa akin si Papa, napupunan naman ni Uncle ang pagkukulang n'ya. At sa mga oras na wala si Papa sa tabi ko, labis naman na pag-aalaga ang ginawa sa akin ni Uncle. He treated me like his own blood and flesh. Though, malapit lang naman since kapatid s'ya ng Mama. Pero ang ginawa n'ya higit pa sa isang ama. At 'yun ang pinakamalaking blessing na nangyari sa buhay ko.
EDITED.
BINABASA MO ANG
The Chosen
FantasySeven Walschots makes herself as a proof that not all seven means luck. At a young age, she lost her one trusted friend after the reported disappearance of her father. She spent her five years of looking for her only left parent but for some reason...