16: Comfort

1.3K 81 4
                                    

Seven's Point of View.

Wala sa sariling nagpunta ako sa clinic kung nasaan nagduduty si Nurse Jen. Pagkatapos ang ikalawang phase ng assessment kanina ay nag-excuse ulit ako sa kanila para magpunta ng clinic. Ngunit sinabihan ako na bumalik kaagad dahil doon kami mag-lulunch kasama ang advisers at ang grupo.

"Seven? What brings you here? May panibagong sugat ka na naman ba?"salubong sa akin ni Nurse Jen nang makarating ako sa tanggapan ng school clinic. Hindi ko mawari kung nagbibiro lamang s'ya.

Saglit akong napaisip kung bakit ako nagtungo dito. Hindi naman malala ang pagkakabagsak ko sa foam kanina. Wala akong sugat na natamo sa pakikipaglaban sa ilusyon. Maayos ang pakiramdam ko. Ano nga bang ginagawa ko dito?

"Oh,bakit basang-basa ka?"

When I saw her worried expression,parang kumislot ang puso ko. There's an overwhelming feeling inside me when I saw her worried. At sa pagkakataong ito,alam ko kung ano ipinunta ko dito. I mentally smiled.

Hindi ako nagsalita at hinayaan lamang s'ya na hilahin ako patungo sa isang hospital bed at chineck ang temperatue ko. Pinabayaan ko lamang s'ya.

Gulong-gulo ako kanina. Pagkatapos kong makita kung sino ang nasa loob ng ilusyon ay pakiramdam ko nawalan ng function ang emosyon ko. Nablangko ang utak ko. Hindi ko ma-process nang maayos ang nakita ko. Alam kong ilusyon lamang iyon. Alam kong hindi iyon totoo. Pero sobra ang naging epekto ng ilusyon na iyon. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas. Kaya ako nagtungo dito. Bigla kong hinahanap ang presensya at pag-aalaga ni Nurse Jen. I know,it is so shallow for me to seek for someone's presence na hindi ko naman kaano-ano. Lalo pa't tungkulin n'ya talaga ang mag-alaga sa mga estudyante na nangangailangan ng alaga dito. I may be too shallow to get attached to someone who's just doing her duty pero sa pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng isang ina na nag-aalaga sa akin.

I haven't been taken care of a mother. Buong buhay ko ay si Uncle ang nag-alaga sa akin. Kaya noong ginamot ni Nurse Jen ang sugat ko,pakiramdam ko ay nakikita ko sa kan'ya ang isang ina. Isang ina na ginagamot ang anak n'yang nasugatan mula sa paglalaro. And I would be lying to myself if I won't say na hindi ako naapektuhan nang sobra sa simpleng paggamot n'ya sa sugat ko. Kasi sa paraang iyon,sa loob ng maikling panahon na iyon,naramdaman ko ang pag-aalaga ng iba.

Kaya naiintindihan ko kung bakit dito agad ako nagtungo. Gusto kong kahit kunti ay mabawasan ang bigat ng pakiramdam ko dahil sa presensya ni Nurse Jen.

"Ano bang ginagawa mo at basang-basa ka? Hindi naman umuulan sa labas ah?"kunot-noo n'yang tanong habang nagshshake ng syrup sa isang bote. I let out a small smile.

"Pinag-take po ako ng acceleration test ng admin para maging parte ng Group of Chiefs ng Hillsdale. Nakapasa po ako kaya isinasagawa namin ang assessment ngayong araw para makompleto ang records ko sa administration. Kagagaling ko lang sa phase two bago ako dumiretso dito."pagkukuwento ko sa kan'ya.

Ngumiti s'ya nang malaki. "Talaga?"

Tumango ako sa kan'ya. Nagsalin s'ya ng syrup sa isang kutsara bago ibinigay sa akin.

"Para sa'n po 'to?"nagtatakang tanong ko rito.

"Gamot 'yan. Matagal kang nababad sa ulan kaya hindi malayong tatablan ka ng sakit. Alam ko ding bugbog sa pagod ang katawan mo at posible ring magbbreakdown ang katawan mo dahil sa over-fatigue."nakangiting paliwanag n'ya. "Inumin mo na. Nakakabuti 'yan para hindi ka magkasakit."

Agad na kumalat ang mapait ngunit may halong tamis na lasa sa bibig ko nang ininom ko ang gamot. Napangiwi pa ako pagkatapos kaya narinig ko ang pagtawa ni Nurse Jen sa reaksyon ko.

The ChosenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon