43: Rival

909 49 0
                                    

Seven's Point of View.

"Yzair, can we have a moment with you privately?" tanong ni Sir Pete nang matapos ang pagrereport namin.

We just arrived from Evelon. Tanghali na kami nang makaalis doon dahil sinulit pa nila ang pahinga. While I was left sleep-deprived. Pagkatapos kasi noong makita n'ya ako sa lobby, hindi na n'ya ako tinantanan. He wasn't talking. Rather, he kept himself close. Parang tanga. I was alarmed by his sudden sulk pero hindi naman nagsasalita kapag tinatanong.

Naramdaman ko munang pinisil ni Yzair ang kamay ko na hindi n'ya binitiwan bago s'ya tumayo at sumunod kina Sir Vlad at Sir Pete sa loob ng opisina nito. I know, they're gonna talk about the case. There's nothing else naman to talk to. 

"Sa wakas!" nag-uunat na sambit ni Wei bago patamad na sumandal sa couch. Katabi n'ya si Xyken na may binabasang magazine na nakuha n'ya lang sa coffee table. While Erin was out pagkatapos ng report dahil magpapagawa pa s'ya ng bagong weapon n'ya. Hindi talaga s'ya matahimik sa weapon n'yang nasira. Nagkapira-piraso pa nga.

I yawned in a sudden. Pinunasan ko agad ang luhang tumakas dahil sa paghikab.

"'Di ka ba nakatulog, Sev?" nagtatakang tanong ni Wei.

"Nakatulog naman," I said. "Inaantok lang ulit ako."

I looked at the wall clock at it reads 2 in the afternoon. I have no agenda today kaya matutulog na lang siguro ako. I still have to give my souveniers sa apat pagkauwi ko sa dorm.

"Pahinga ka muna."

"I'll go ahead," I said before grabbing my bag and left the room that they only replied with a nod.

Nang makarating ako sa dorm, wala pang tao. Lagi na lang akong walang naaabutan dito, ano ba 'yan. Dumiretso na lang ako sa k'warto ko at itapon ang katawan ko sa kama nang hindi nagbibihis. Bahala na si Batman, kung sino man 'yun.

"SEVEEEEN!"

I was pulled off from my slumber when I heard Lily's high-pitched scream from outside of my room. Hinahampas-hampas pa n'ya ang pinto ko kaya mas lalo akong nagising sa gulat.

Putragis.

Padabog akong umalis sa kama ko at pupungas na binuksan ang pintuan. Nasuspende ang kamay ni Lily na sana ay ihahampas na naman n'ya sa pinto ko pero nabuksan ko na ang pinto. I glared at her. Hindi pa ako nakababawi ng tulog!

"Can you not disturb me when I'm asleep?" iritadong bungad ko sa kan'ya. Pagod pa kasi talaga ako.

Bigla s'yang sumimangot at ngumuso kaya hindi ko mapigilang umirap. Disturbing someone's sleep is just disrespectful for me. Namamahinga 'yung tao, iniisturbo.

"Sorry na. Akala ko kasi hindi ka tulog, e," nakangusong sabi n'ya.

I spotted Alexander and Justin nod at me from our living room. I just nod at them, too. Nandito na pala sila.

"What do you need?" tanong ko kay Lily.

She looked up to me mula sa pagkakayuko. She's fidgeting her fingers and seems hesitant to speak because of my sudden mood.

"H-How's Evelon?" mahinang tanong n'ya.

Oh. I remembered that Evelon is her hometown. Kaya pala nagmamadali s'yang pumunta dito para magtanong. She must've missed the town.

Bumuntong-hininga ako bago nilakihan ang pagkakabukas ng pinto ko.

"Maayos naman. Wala namang pinsala ang nangyari. We had it covered immediately," sagot ko. "Pa'no mo nga pala nalaman?"

The ChosenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon