52: Disowned

796 59 6
                                    

hi, mga mars. im starting this chap on sept 20 at exactly 3:39 in the afternoon. i have been doing my modules since this morning and i am in denial that this story is about to have its end. i wanna scRREEEEEEAAAAAAAM. fixed na ang plot sa bawat chapter. i have set a deadline for my self para matupad ko yung pinangako ko sa sarili ko. for our first week of modules kasi, 6 subjects lang ang meron and keri ko naman lahat. maluwag pa schedules ko and if im gonna make this matagal pa, di ko matatapos to sa 26 or earlier than that. baka matambakan pa ng modules. kaya eto na. kung sino gusto magpasaksak, saksakan na lang tayo.

.
.
.
.
.

Seven's Point of View.

I woke up in the middle of the night because of the sudden uncomfort that I felt. My heart beats erratically at hindi ako mapakali. My gut is telling me that something is wrong. Pero nang pakiramdaman ko ang paligid ay wala namang panganib ang nagbabadya. What could have possibly went wrong?

I glanced at my wall clock at napag-alamang alas dos pa lang ng umaga. I tried going back to sleep pero hindi na ulit ako dinalaw ng antok. Napabuntong-hininga na lamang ako at bumangon mula sa kama ko. Hinawi ko ang kumot at lumabas ng k'warto para kumuha ng tubig na maiinom. Hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko. Kahit ilang buntong-hininga pa ang gawin ko ay hindi pa rin iyon nawawala.

Nang makalabas na ako ng k'warto ay naabutan ko si Tito Leonard na nagkakape na naman sa salas kasama sina Tito Virgo Migne at isang nakatatanda na ipinakilala sa akin ni Papa na si Felizimo, kaibigan n'ya.

"Seven, gising ka pa pala. Ayos ka lang ba?" tanong ni Tito Leonard.

I suddenly became conscious of how I look. Nakapajama lang ako at hindi pa ako naghilamos. Akala ko kasi, tulog na ang lahat.

I bowed my head and smiled at them. Gumanti naman ng ngiti sa akin si Sir Virgo at si Tito Fel.

"Good morning po. Basta na lang ho kasi akong nagising kaya bumangon na ko para sana kumuha ng maiinom," sagot ko. "Kayo po? Bakit gising pa kayo?"

"We need to stay awake and alert, hija. Alam mo naman ang sitwasyon natin. Baka biglang sumugod si Zander dito nang hindi tayo handa," sagot ni Tito Fel. Mahihimigan ang pagbibiro sa seryoso n'yang boses kaya tumango na lamang ako at hindi sumagot pa.

"Sige na, gawin mo na ang business mo at nang makapagpahinga kang muli," nakangiting sabi ni Tito Virgo kaya tumango at nagpaalam na ako sa kanila bago ako nagtungo sa kusina.

I filled the glass with cold water hoping it could wake my senses fully and calm me down. Pero nagawa lang nitong palalain ang pag-aalala sa dibdib ko matapos 'yun. Every seconds that passed, lalo lang akong nag-aalala. Hindi ko alam kung bakit at mas lalo akong hindi ako mapakali knowing na hindi ko alam ang dahilan.

Nang mailapag ko ang baso, aksidenteng tumama ang paningin ko sa bracelet na binili ni Yzair sa Evelon-- o mas tamang sabihin na nakuha mula sa panlilinlang. He gave it to me noong gabing sinungitan n'ya si Zayir sa pangalawang pagkakataon. I got the white one with a single back bead while he has the black one with a single white bead. And upon seeing the bracelet, tila tinambol ang dibdib ko dahil sa abnormal na tibok ng puso ko.

My eyes widened. No, it can't be. He's with his father. Hindi s'ya maaaring mapahamak.

I blew a heavy breath to calm me down. Hindi s'ya mapapahamak dahil nasa puder s'ya ng Papa n'ya. His father cannot harm him. And who knows, kasama pa s'yang susugod sa amin dito.

Napaupo ako sa upuan sa napagtanto. If he will go with his father to haunt us down, makakaya ko kaya s'yang labanan? We're gonna fight against each other for different reasons. And it sucks because we might be possibly killing each other for this fight. At sa isipin pa lang na 'yun, gusto ko na lang umatras.

The ChosenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon