51: Reunion

740 41 3
                                    

Seven's Point of View.

"Magpahinga ka muna, Seven."

I hugged myself when a cold breeze came brushing on my way. Hindi sapat ang makapal na damit para hindi ako maapektuhan ng lamig ng hangin. It's already dusk kaya may kalamigan ang hangin dito sa bayan kaysa sa kanina.

Tiningnan ko si Sir Vlad na umupo sa tabi ko. Nakaupo ako sa malaking kahoy na nakataumba dito sa may burol malapit sa bahay at nakatanaw sa malawak na lupain ni Uncle Joseph. Basta na lang nangyari ang lahat. Hindi ko rin alam kung ano ang kinalaman ni Uncle Joseph sa mga pangyayaring ito at dito kami dinala ng teleportation ni Tito Leandro. Punong-puno ako ng mga katanungan. Tila ba hindi nababawasan ang katanungan sa isip ko at kunting pangyayari lamang ay ang dami na namang madadagdag. Nakababaliw.

"Hindi po ako pagod." Hindi man sinasadya ngunit ramdam ko ang lamig ng boses ko.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin at tanging tunog lang ng mga kulisap at kuliglig ang pumupuno sa katahimikan sa bandang ito. Gusto kong magsalita. Gusto kong magtanong pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Para akong nangangapa. I suddenly felt foreign around these people whom I considered my family. Tila ba wala akong alam kung sino sa kanila ang sino. Nakaiinis na. Nakakabobo.

"When I was in my seven years, your father rescued me from being homeless. Isa akong palaboy noon na nakita ng Papa mo at binihisan." Napalingon ako sa kan'ya nang magsalita s'ya. Ang kan'yang mga mata ay nakatanaw sa malayo na tila tinatanaw doon ang kan'yang nakaraan. Nanatili akong tahimik. "He was still a student back then in Hillsdale. May kaya ang pamilya kaya kahit hindi n'ya ako pormal na inampon, he was able to support my needs. Pinag-aral n'ya ako sa mababang paaralan ng Hillsdale noon at s'ya naman ay nasa kolehiyo. Kahit hindi n'ya ako kadugo, he treated me like his own son. Akalain mong kahit nasa kolehiyo palang sila ay nakapagpundar s'ya ng orphanage para sa mga batang katulad ko? At sa orphanage na 'yun, kunti lang kami kasi hindi naman mahirap ang s'yudad na ito. May mga hindi lang talaga pinalad kagaya ko. And that's where I met Pete. Naging matalik kaming magkaibigan and your father became our guardian kahit naging mag-asawa na sila ng mama mo. Sabay pa nga nila kaming binisita ng mama mo noong nasa orphanage pa kami. I became who I am and where I am today, Seven. Nang dahil iyon sa Papa mo. I simply owe him everything kaya I do these things for him to pay him back."

May katanungan na naman tungkol sa mama ko ang namumuo sa utak ko. I mentally scoffed at myself. Sabi na nga ba, e. May tanong na naman sa isip ko. But I didn't know na ganito pala ang background story nila. Sabagay, wala naman akong alam kung ano ang mga nangyari noon.

"Alam mo bang kabilang rin ang batch namin  sa Chiefs dati? Kaya kami rin ang advisers n'yo ngayon," nakangiting sambit n'ya at nilingon ako. I only smiled a little. "Mabuti na lang maraming privilege ang pagiging isa sa Chiefs kaya nanatili ako sa academy. Advantage para abangan ka at mabantayan ka rin."

Natigil ako. "A-Ano po?"

Tumango s'ya. "Ang Uncle Joseph mo o mas kilala noon bilang Johnson, binilinan s'ya ng Papa mo dati na pag-aralin ka sa Hillsdale kapag magkokolehiyo ka na. Ipapasok ka sanang regular student pero nakapagdesisyon ka na pala." Natawa s'ya nang mahina.

"I wasn't aware about everything before kaya nagdesisyon na ako para sa sarili ko. Hindi ko naman akalaing magbabago ang lahat sa desisyon kong 'yun," sagot ko at ibinalik ang tingin sa bahay namin. Nakikita ko pang nag-uusap sina Papa at Uncle Joseph sa labas ng bahay.

"Ganun talaga. Kahit gaano mo pa kakalkulado ang mga bagay at pangyayari, may magbabago at magbabago pa rin along the way."

Hindi ako sumagot at tinitigan lang sina Papa. Mahahalatang seryoso ang kanilang pag-uusap kahit pa nasa malayo ako. Ano kayang pinag-uusapan nila?

The ChosenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon