Seven's Point of View.
"Would you die for me?"
Marahas akong napalingon kay Yzair nang magsalita s'ya sa tabi ko. Nakatingin s'ya sa akin ngunit parang may hinuhukay sa pagkatao ko ang kan'yang mga mata. He's looking at me right into my eyes,as if trying to peek into my soul.
Kinunotan ko s'ya ng noo. "Why would I?"
Hind s'ya nag-iwas ng tingin bagkus ay ngumiti lamang s'ya. Mas lalo akong nagtaka sa inaakto n'ya. Kanina pa s'ya gan'yan. Nang magising ako kaninang umaga ay nakatingin lamang s'ya sa akin na tila may malalim na iniisip. Hanggang sa gumayak kami patungo rito sa bayan para simulan ang imbestigasyon. May nangyari ba kahapon na hindi ko alam?
"You look beautiful,Sev."
Bahagya akong natigilan sa sinabi n'ya. Ramdam ko ang biglaang pag-init ng pisngi ko. Napatanga ako habang nakatingin sa kan'ya but all he do is smiling at me. Nag-iwas ako ng tingin.
"Putangina mo naman." mura ko sa kan'ya. Nahihiya ako dahil sa sinabi n'ya. How dare him compliment me? Nagtatanong ako kung bakit ko gagawing magpakamatay para sa kan'ya tapos sasabihing maganda ako? Walang kwenta.
Narinig ko ang mahinang pagtawa n'ya pero hindi ko na s'ya pinansin. Tumayo na ako at pinagpagan ang suot kong pantalon na nadumihan mula sa pagkakaupo sa lupa. Nandito kami ngayon sa lilim ng isang puno habang hinihintay ang tatlo na makarating dito. We're told by Yzair to gather some informations from the townsquare tungkol sa nangyari noong isang araw. Pero hindi nila ako pinasamang tatlo dahil daw may nangyari sa akin kahapon. Nakakainis. Tinuturing akong may sakit when in fact,I can even kick their asses off anytime. At ito namang Commander namin,imbes na tumulong sa imbestigasyon,nandito at sinasamahan ako. Baka daw may gagawin na naman akong ikawawala ng malay ko. Bakit ang OA naman nila? Tangina naman. Gusto kong tumulong sa imbestigasyon para may makuha akong impormasyon tungkol sa Papa ko na pinaghihinalaan nilang kasapi sa grupo ng mga magnanakaw. But how would I do that if they're grounding me?
"Hey,where are you going?" rinig kong tanong nito nang maglakad ako papalayo sa kinaroroonan namin. Hindi ko s'ya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Balak kong magpunta sa townsquare at tumulong sa pangunguha ng impormasyon. Ngayong araw ay walang balita tungkol sa muling pag-atake ng mga magnanakaw. Siguro ay nakatunog ang mga ito na may pinadala ang Konseho na nag-iimbestiga. Posible nga kayang kalaban namin si Papa sa kasong ito? Bumigat ang pakiramdam ko sa tanong na iyon. Napabuntong-hininga na lang ako bago nagtungo sa sentro ng bayan kung saan nakapuwesto ang mga stalls ng paninda. All of them have smiles on their faces habang inilalako ang kanilang mga paninda. May mga dayo rin mula sa ibang bayan na bumibili. Nagkalat na rin ang mga kawal sa paligid.
Lumingon ako sa likuran ko para tingnan kung sumunod ba sakin si Yzair pero ni anino n'ya ay hindi ko nakita. Nagkibit-balikat lamang ako bago nagpatuloy sa paglalakad ngunit agad ring napatigil nang may batang lalaki ang sumulpot sa harapan ko na may dala-dalang isang bungkos ng kulay puting rosas. Malapad ang kan'yang ngiti nang dumapo ang tingin ko sa kan'ya.
"Magandang araw,binibini. Kasing ganda mo ang mga bulaklak na hawak ko."bati nito sa masiglang boses.
Mabilis kumurba ang labi ko sa sinabi n'ya. Hindi ko alam kung binobola n'ya ako o totoo ang sinabi n'ya pero sa tingin ko ay binobola n'ya lang ako.
"Magandang araw." natutuwang bati ko sa kan'ya. "Binola mo naman kaagad ako. Ibinebenta mo ba ang mga 'yan?" nakangiting tanong ko sa kan'ya.
Matunog s'yang umismid dahil sa sinabi ko. "Hindi naman po ako mambobola tsaka totoo naman ang sinasabi ko." sagot n'ya bago inilahad sa akin ang bulaklak. "Para po sa inyo."
BINABASA MO ANG
The Chosen
FantasySeven Walschots makes herself as a proof that not all seven means luck. At a young age, she lost her one trusted friend after the reported disappearance of her father. She spent her five years of looking for her only left parent but for some reason...