Yzair's Point of View.
Days have passed and we finally came to the last day of preparation. Everything is set. Checking of the checklist na lamang ang gagawin and a bit finalization. Within those days also,ramdam na ramdam ko ang pag-iwas ni Seven. Hindi lang sa akin,maging sa buong Chiefs. Ang pakikitungo n'ya ay sobrang formal. Like we are workmates and not a team. She talks so formal,act so formal. Nakakapanibago.
Sa tuwing mahuhuli n'ya akong nakatingin sa kan'ya ay ngingiti lamang s'ya at bahagyang iyuyuko ang kan'yang ulo bago bumalik sa kan'yang ginagawa. I want to confront her so much. Kasi maging sina Wei at Xyken ay nagtataka sa biglaang pag-iiba n'ya ng pakikitungo. Except kay Erin na walang pakialam. But everytime I try to talk to her,she always has an excuse. Or either,lagi n'yang kausap ang kaibigan n'yang si Laxus na kabilang sa Senior Dapartment. Hindi ako makahanap ng tiyempo. She's so near,abot kamay naming lahat,at the same time,she feels so far. Like she's keeping a distance to everyone of us.
Bunga ba 'to ng pagkakahospital n'ya? May nagbago sa pisikal n'yang anyo,may nagbago rin ba sa kan'ya in terms of emotional and mentality? Bakit yata ibang iba na s'ya?
"Sev,kindly check for lackings sa Freshman Division. Their booths,activities and representative sa sports and activities." rinig kong sambit ni Sir Vlad.
Nandito kaming lahat sa classroom. Since Chiefs ang host sa organization ng Foundation Day,dito na rin namin pinagmemeetingan ang lahat. All of them listed all the possible activities at pinapapirmahan ko naman iyon sa school administration. Gagawa sila ng requests and I am one of those who decided wether to approve it or not,bago ipadala sa admin. For the whole week,wala kaming ibang ginawa kung hindi ang paghahanda. Kahit si Seven na kalalabas lamang ng hospital ay tumulong.
"It's done,Sir. Nai-finalize ko na ang representatives and their proposed activities are already approved. No problem with the fund dahil napagkasunduan nilang lahat na pag-aambagan nalang." she said,composed and formal. Inabot n'ya ang folder n'ya na naglalaman ng activities kay Sir Vlad.
Sir Vlad immediately opened her folder and scanned it. "Kasali ka sa archery?"
Lahat kami ay napatingin kay Seven sa naging tanong ni Sir Vlad. She just let out a small smile and nodded.
"Alright,then. Good luck." Sir Vlad smiled.
Natapos ang pagpapa-finalize ng mga kailangang ifinalize kung kaya't pinababalik kami sa conference area nitong room namin para magmeeting.
"Let's do a recap,shall we? This Foundation Day will be a three-day event. The first day will be the showcasing of talents. Different sports will be played by various students. The Chiefs are not required to participate but since matitigas naman ang ulo n'yo,kayo pa mismo ang naglista ng mga pangalan n'yo sa participants. Ang gagaling."
Rinig ko ang pagbungisngis na Xyken at Wei sa kani-kanilang upuan na s'yang natamaan sa sinabi ni Sir Vlad.
"The second day will be the Levelling of each Divisions. Students from Seniors will be ranked,same goes with the Juniors,Sophomores and Freshmen. We'll spend the whole day for that and for the third day,there would be an awarding that will happen from the activities since the first day and the second day. That would be for that day only,and during the night,there would be a ball will be held at our very own ballroom. It's a Fun And Socialization Night. So,I hope you all are ready for the Foundation Day,Chiefs. Grab your dates for the Fun Night. Baka maunahan kayo ng iba d'yan sa gilid-gilid na nakaabang."
Napabuga ako ng hangin sa huling sinabi ni Sir Vlad. "Are dates required?"
Napatingin si Sir Vlad sa akin. "Yes,Yzair. No dates,no enter."
BINABASA MO ANG
The Chosen
FantasySeven Walschots makes herself as a proof that not all seven means luck. At a young age, she lost her one trusted friend after the reported disappearance of her father. She spent her five years of looking for her only left parent but for some reason...