Seven's Point of View.
Pagputok ng bukang-liwayway ay kasabay ng pagputok ng balitang ililitis ang bise ng punong konseho ngayong araw. The news of him getting executed spread like a wild fire in a dead forest. Habang naglalakad ako sa hallway papuntang cafeteria para bumili ng agahan, usap-usapan ng buong populasyon ng estudyante ang tungkol sa balitang iyon. Halos kada sulok ng lugar ay bukam-bibig iyon ng mga estudyante. Some of them are disappointed and some are wondering about it. Hindi makapaniwala ang karamihan sa pumutok na balita. Hindi ko sila masisisi. Stanley Evergreen had established a good reputation here in the academy the moment he spilled his speech during the anniversary party.
Napabuntong-hininga ako. This would be the last day I will be spending here at the academy dahil mamaya ring tanghali isasagawa ang planong pagtakas kay Papa mula sa pagpataw sa kan'ya ng parusa. At base sa narinig ko kay Sir Vlad, death is the punishment of his deed.
"Good morning, Pito. Long time no see!"
Natigil ako sa paglalakad nang sumulpot si Laxus sa harapan ko. Napangiti ako agad. Matagal ko na ring hindi nakikita ang isang 'to. Saan kaya 'to nagsusuot?
"Hi! Namiss kita!" bati ko at tumalon papunta sa kan'ya para yakapin s'ya.
Natatawang niyakap n'ya ako pabalik at tinapik ang likod ko nang marahan.
"Sorry. Papa and I went for a leave kasi may inasikaso kaming mahalagang bagay," sagot n'ya at binitawan ako. "Ikaw? Kumusta na? Grabe, pumanget ka yata."
Pabiro ko s'yang sinapak sa t'yan. "Mas panget ka!"
Tiningnan ko s'ya saglit bago s'ya niyakap ulit. Napahalakhak ako nang muntik na kaming matumba dahil hindi n'ya inaasahan 'yun.
"Hoy, hindi halatang miss mo ako masyado, ha!" natatawang komento n'ya at bahagya akong binuhat.
S'yempre. Malay ba natin kung ito na ang huli. I wished to say that out loud.
Bumitiw ako. "Wala. Namiss lang kita masyado. Ikaw kasi, masyado kang missing in action. Lagi ka tuloy nahuhuli sa balita," biro ko sa kan'ya.
"Sus! Parang wala namang bago sa'yo bukod sa pumanget ka."
Sinamaan ko s'ya ng tingin. Nang-aasar pa, e. We caught up a little hanggang sa nagpaalam na s'yang pumanhik sa classroom n'ya dahil maaga ang klase nila ngayong araw. Tinanaw ko na lang ang bulto n'ya habang papalayo sa akin. A sad smile crept on my lips.
I'm sorry, Lax.
Pumihit na ako patalikod at nagpatuloy na sa paglalakad papasok sa cafeteria. I stopped on my track nang makitang nakasandal si Yzair sa entrance ng cafeteria at maya't maya ang pagsulyap sa kan'yang relong pambisig na tila may hinihintay. Agad ko s'yang nilapitan.
"Anong ginagawa mo rito? May hinihintay ka ba?" I gave him a suspicious look nang tumingin s'ya sa'kin.
He stepped forward towards my side and dropped his one arm across my shoulder. "Silly, I was waiting for you. "
"Didn't I tell you to just wait for me in your office?" I asked him as he pushed the cafeteria door open at pumasok na kami. He removed his arm around my shoulder and held my hand instead.
"I couldn't wait for long," he said as he shrugs his shoulder. He looked down on me and smirked. His eyes grazed around my face that made me anxious. But instead of saying anything about it, he leaned his face closer to my ears and whispered, "Bakit ang ganda mo at bakit bagay na bagay ka sa'kin?"
Mabilis ko s'yang siniko sa kan'yang t'yan at nag-iwas ng tingin. Ano 'to? Pampadagdag ng guilt? Gagawa na ako ng masama at lahat-lahat, winiwili pa ako ng isang 'to.
BINABASA MO ANG
The Chosen
FantasySeven Walschots makes herself as a proof that not all seven means luck. At a young age, she lost her one trusted friend after the reported disappearance of her father. She spent her five years of looking for her only left parent but for some reason...