Seven's Point of View.
Tenth of June,nagbukas ulit ang Akademya para sa pagdating ng mga bagong mag-aaral. Freshmen and test passers. Hindi naman lahat obligado na mag-take ng test. Kung kaya mong magbayad ng tamang tuition,hindi na kailangan na gawin ang ginawa namin. Money can do the move for you or effort will do. Pero ang mahalaga sa akin ngayon ay nakapasa ako sa scholarship at wala akong babayaran na kahit singkong duling.
Hindi na ako nagulat nang makita ang numero ng mga estudyante. Marami ang dala ng iilan at makikita sa mga gamit nila ang katayuan nila sa buhay. Sa tindig,postura,pananamit maging ang pananalita. Habang ako ay nagpunta dito dala dala ang malaking backpack na naglalaman ng mga gamit ko. Hindi naman karamihan ang mga gamit ko at hindi ko dinala lahat kaya ito lang ang dala ko. Uso naman ang maglaba para hindi maubusan ng damit na maisusuot.
I just wore a black skinny jeans,black tank top na pinatungan ng black and white chekered longsleeve at black combat boots sa paa. Just my usual get up.
Dumarami na ang estudyante ang nagsidatingan. Ang iba ay inihatid pa ng mga mamahaling sasakyan ng kanilang mga magulang. Ako naman ay mag-isang nagpunta dito. I didn't bother Uncle to accompany me here. Kaya ko naman.
Nakaupo lang ako dito sa ilalim ng puno sa mga school grounds. It is a wide field na may mga puno na nakapalibot. Mataas na ang sikat ng araw kaya naisipan kong magpasilong muna dito habang hinihintay na magsimula ang opening program. I suck at socialization kaya naisipan kong magpakalayo layo muna sa mga kumpol ng estudyante roon. Ang init na nga,naisipan pa nilang magsiksikan. Mga tao talaga.
"Magandang umaga!"
A not-so-wide space opened up in the middle of the field at sumulpot ang isang stage kung saan nakatayo ang isang lalaki na may hawak ng mikropono at sa likod naman ay dalawang lalaki na matitikas ang tindig kasama ang nag-iisang babae na mukhang may attitude problem. Kahit may malaking distansya sa pagitan ng punong kinaroroonan ko at sa stage,kitang kita ko pa rin ang ekspresyon ng lalaki na nasa gitna. It was stoic. He's intimidating. And he looks like a high ranking one among the student body.
The crowd responded to the greeting.
"The new students are quite a lot this year. It is such a wonderful sight to see and the thought of many will be studying here is a pleasure to each on one of us seniors. I am Wei Burrows,and I welcome y'all for this school year. May you have a wonderful stay and fruitful experience here in Hillsdale Academy."
A round of applause occured among the crowd. Habang ako ay nanatiling nakatingin sa gitna. I don't have the energy to participate with them. Naubos ang lakas ko kahapon sa mabigat na training na binigay ni Uncle. Kondisyon lang ng katawan ang sinabi. Pero extreme training ang binigay. Scammer.
Marami pa'ng sinabi si Wei sa harapan pero wala roon ang pandinig ko. Inaantok ako.
"I welcome you all,our very own Headmaster,Headmaster Reymond Trocher for the orientation."
Isa na namang palakpakan ang nagpagising sa diwa ko kaya napaayos ako ng upo. Pero panandalian lamang iyon dahil unti unti na naman akong dinadalaw ng antok. Pero narinig ko naman ang sinabi ng Headmaster patungkol sa pananatili namin dito.
We're not obliged to have our pocket money pero p'wede naman daw. Ang pera namin ang makukuha mula sa mga puntos sa mga pagsusulit at maging sa mga misyon na ipapagawa sa amin. Low scores and no participation means no money to spend. Foods are not free here. Maliban sa dorm namin na libre. Dorm namin ng mga scholar. Pagkain lang ang babayaran,wala ng iba. Sa amin,'di pinoproblema ang pagkain. Pero pagdating dito,binabayaran na. Hay naku.
"Are you listening?"
Nahigit ko ang hininga ko nang may isang malamig na boses ang nagsalita sa likuran ko. Dahan dahan akong napalingon sa likuran ko. Muli ko na namang nahigit ang hininga ko nang makita ang matigas n'yang ekspresyon at ang kan'yang walang emosyon na mukha malapit sa mukha ko. Tangina,Satanas,sino 'to?
BINABASA MO ANG
The Chosen
FantasySeven Walschots makes herself as a proof that not all seven means luck. At a young age, she lost her one trusted friend after the reported disappearance of her father. She spent her five years of looking for her only left parent but for some reason...