47: The Odd

728 42 0
                                    

Seven's Point of View.

Guilt and regret were rushing through my system after what happened inside his office. Para akong nakalutang habang naglalakad patungo sa pila dito sa counter ng cafeteria. Kailangan ko ng maiinom sa mga oras na ito dahil hindi ko maikalma ang pag-iisip ko. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Kung bakit kasi naisipan kong makialam? Ayan tuloy, napahiya ako.

"Berry platter and sweetened choco milk po," I told the cashier when it was my turn. I just need something sweet. Para mag-function pa nang maayos ang utak ko.

I paid for my order and went to a vacant table. Nilunod ko ang sarili ko sa pagkain kahit nagwawala pa rin sa isip ko ang nangyari kani-kanina lang.

Bumuntong-hininga ako sa 'di mabilang na pagkakataon at bumalik sa pagkain. Hindi sinasadyang mapatingin ako sa tabing gawi ng caf. Mabilis na nagunot ang noo ko nang makitang seryosong nag-uusap sina Zayir at Xyken. Magkakilala ba sila? Kung magkakilala sila, Yzair must knew him.

Nay narinig akong humikab sa tabi ko kaya mabilis akong nag-angat ng tingin.

"You didn't wait for me to wake up," busangot n'yang sabi bago naupo sa katapat kong upuan.

I swallowed the chewed fruits in my mouth. "Sorry. I was craving for these kasi," I answered and pushed the platter to him para alukin s'ya. "How's your nap pala?"

Kumuha s'ya ng blueberry at inilagay n'ya sa bunganga n'ya. "It's good."

Hindi ako sumagot dahil tumagos ang tingin ko sa table kung nasaan sina Zayir at Xyken na nag-uusap. Xyken pushed a folder to Zayir at walang anu-ano'y kinuha n'ya iyon at tumayo, leaving Xyken at the table.

"Sinong tinitingnan mo?"

Mabilis akong napatingin sa kan'ya. He's frowning.

"Magkakilala ba sina Xyken at Zayir?"

Mabilis na nagtagpo ang kan'yang mga kilay sa tanong ko. I know he hates it when I mention Zayir.

"No? Matagal ko nang kilala si Xyken and I've never seen Zayir around. Why?" medyo naaasar n'yang sagot. Hanep, labag pa talaga sa loob 'yun, ah?

Pero kung hindi sila magkakilala, why are they together? Business, perhaps? But Zayir is a freshman while Xyken is a junior. What could their business be?

"Yoi're spacing out." He snapped his fingers in front of my face making me scowl at him. Pero bored n'ya lang akong tiningnan. "What's bothering you?"

Hindi ko sasabihin.

"Nothing. May iniisip lang," sagot ko at bumalik sa pagkain. Nagulat pa ako nang wala nang halos matira sa plato kasi kinain n'ya. Ngumisi lang s'ya sa akin.

"Baby, wala ka namang kailangang isipin kasi nandito na ako sa harap mo." He scoffed. "Who else could you be thinking about except me?"

Imbes na isubo ay naibato ko sa kan'ya ang huling piraso ng blueberry na walang kahirap-hirap n'yang nasalo. Humalakhak pa s'ya bago isinubo ang prutas kaya inirapan ko s'ya.

"Lakas ng tama mo. Epekto ba 'yan ng tulog?"

"Talagang malakas ang tama ko!"proud n'yang sambit kaya tinaasan ko s'ya ng kilay. "Sayo."

I hid my embarassment through scrunching my nose na ikinatawa n'ya nang malakas. Napatingin pa sa kan'ya ang iilang mga estudyante na kumakain but none of them made a comment about it. They know how he hates being gossiped around lalong-lalo na kapag naririnig n'ya.

Nagkuwentuhan kami saglit pagkatapos umorder ng panibagong platter ng prutas at dalawang gatas. Hindi daw kasi enough 'yung nakain namin kaya nag-order ulit s'ya ng isa pa.

The ChosenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon