Chapter 18

38 2 0
                                    




'Two souls don't find each other in asimple accident.'



Maaga akong nagising dahil sa dalawang kadahilanan. Una ay dahil ang gulo ng katabi ko at pangalawa ay maaga kaming aalis ni Hades dahil pupunta kami ngayon ni Hades sa Achetes' house.



Tiningnan ko si Jane na sarap na sarap sa pagtulog samantalang ako ay gising dahil sa pag sipa na ginawa niya.



Bumangon ako mula sa pagkakahiga at naupo sa harap ng vanity mirror at sinipat ang aking mukha.



As usual ganon pa rin naman ang hitsura ko. Wala namang nagbago lagi pa rin naman akong may muta at bakas nang nakaraan kong laway sa aking pisngi. Oo balahura ako matulog pero wala akong pake. Pero ganun pa man paano kung magkatabi kami ni Hades sa pagtulog at makita niya ang ganito kong itsura. Ano kaya ang magiging reaksyon niya?



Mandidiri kaya siya? Iiwasan niya ba ako? O iiwanan niya ako?



Bakit ko ba siya iniisip at paki-elam ko naman sa magiging reaksyon niya mabuti ngang iwan niya ako para matahimik na rin ang buhay ko. Simula nang makilala ko siya wala na siyang ginawa kundi ang guluhin ako.



Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nag inat.



Panibagong araw para sa bansang Scotland, ang bansang hindi ko kinalakihan at kinasanayan, ang bansa kung saan si Haring Lance at Reyna Ayisha ang dating namumuno na ngayon ay pinamumunuan ni Haring Hades at Reyna Kyleigh.



Nagkibit balikat na lamang ako at pumasok na sa banyo at ginawa na ang nakakasawang morning ritual.



Habang nasa loob ako ng banyo hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko ng mga bagay-bagay na hindi ko naman masagot-sagot at kung masasagot man ay kulang pa rin.



Katulad ng bakit nangyayari sa akin ang lahat ng ito? Ang tanging sagot ay ito ang nakatadhana sa akin pero bakit ako? Na sa dami daming tao sa mundo bakit sa akin pa? Ano ba ang ginawa ko noon para magdusa ako ng ganito?



May sagot pero hindi specific. May sagot pero kulang. Sigh.

Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon