Chapter 5

38 7 0
                                    



"Good morning, Crown Prince Hades and Miss Kyleigh. I'm Edward, your photographer for your wedding," pagpapakilala ni Edward sa amin at marahan naman akong tumango sa kaniya.



Anong oras ba kami mag-start naboboring na naman ako. Madami pa kasing ebas eh. It's just a prenup photo lang naman and Hades choose a royal theme ewan ko ba doon daming kaartehan sa katawan.



"So, let's start," saad ni Edward sa wakas akala ko madami na namang kwento siyang sasabihin sa amin.



Naupo kami sa mala royal nilang sofa wearing this elegant dress. Yes, pinagpalit ako ni Hades ng damit. He's wearing a black tuxedo at sobra niyang mature tingnan sa suot nitong damit. Samantalang ako ito di ko alam kung magmamature pa katawan ko.




I'm wearing an elegant off-shoulder green dress and silver heels also naka braid din ang hair ko kaso para siyang korona sa ulo ko at may naiiwan na kaunting hibla ng buhok sa magkabilang gilid.



"First pose. Miss Kyleigh isampay mo yung kanang kamay mo sa balikat ni Prince Hades then your left hand nakahawak sa dibdib ni Prince Hades and look into his eyes. And Prince Hades, please place your hands on her waist and look into her eyes," saad ni Edward.



Seriously, looking into his eyes talaga? Hindi nga ako makatagal sa mata niya eh kasi kakaiba talaga sobrang nakakaakit at nakakapanghina. Baka malusaw ako dito.




Nanlalaki ang mata kong tumingin kay Hades ng hapitin niya ang bewang ko and he looked at my eyes. Geez. Hindi ko na kayang tumingin sa kaniya ng matagal.



Bakit siya ganyan? Bakit ang pogi niya? Bakit ang ganda ng mga mata niya? Bakit ang cold niya pero ang hot at attractive pa rin tingnan?




May nag-eexist ba na katulad niya? Syempre oo nasa harap ko na ang ebidensya. Nasa harap ko na ang lalaking iyon.




"Perfect. Next, maupo po kayo Miss Kyleigh sa single couch and pose like a queen," saad ni Edward at napairap na lamang ako. Nakita ko naman ang pagngisi ni Hades kaya sinamaan ko ito ng tingin. Anong nginingisingisi niya diyan?



"Next, Prince Hades tumayo po kayo sa likod ni Miss Kyleigh and take a kingly stance."



Sinunod namin ang sinabi ng photographer sa amin kahit hindi ko maintindihan kung prenup photoshoot ba talaga ito o may ma-picturan lang talaga. Nabobored na talaga ako.




Kung ano-ano pa ang pinagawa sa amin ni Edward pero sinunod na lang namin. Natapos ang photo shoot at nandito lang ako sa sofa at nakaupo at pagod na pagod. Nakakapagod pa lang 'tong photo shoot na 'to ang sakit din ng paa ko dahil sa heels na suot ko.



Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon