"Hades sandali lang," tawag ko kay Hades habang hatak-hatak niya ako papalabas sa opisina.
Ramdam ko ang galit at gigil ni Hades dahil alam kong hindi siya sangayon sa pagbaba ko sa pwesto at may punto nga naman talaga si Hades. Kung bababa ako sa pwesto para ko na rin sinabi na ninakaw ko nga ang pera ng bayan na 'to.
"Hades saglit lang nasasaktan na ako!" Sigaw ko at agad namang huminto si Hades pero nanatili pa rin na nakatilod sa akin. Ang sakit ng pagkakahawak niya.
"Ano bang problema Hades? Hindi pa tapos yung meeting at may sasabihin pa sila Queen Ayisha at King Lance at ang sakit ng pagkakahawak mo," saad ko sa habang hinahawakan ang pulso ko kung saan niya ako hinawakan at narinig ko ang kanyang pag-buntong hininga at dahan-dahang humarap sa akin.
Agad akong natahimik ng makita ko ang mapupungay niyang mga mata sa akin, ang mga mata niyang malungkot na nakatingin sa akin.
"Hades..." tawag ko sa kanyang pangalan at muli ulit siyang bumuntong hininga at nagulat ako ng bigla siyang mapaluhod sa harapan ko.
"Hades tumayo ka d'yan baka may makakita sayo," tawag ko sa kanya at pilit siyang itinatayo, "Hades ano ba makinig ka nga sa akin, tumayo ka na dyan, please..." saad ko at nagulat ako ng higitin ako ni Hades at mahigpit akong niyakap.
"I'm such an idiot, Kyleigh, I'm such an idiot... hindi man lang kita na protektahan, this is all my fault," mahina niyang sabi sa akin habang maghigpit pa rin akong niyayakap.
"Hades..."
"I'm sorry, Kyleigh, but I promise that I will protect you no matter what happens," saad ni Hades at napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko.
"Hades, ginawa mo na ang lahat ng makakaya mo at malaki ang pasasalamat ko dahil doon. Hades, naging mabuti kang hari ng bansang 'to at alam ko 'yon dahil nakikita ko 'yon, nakikita ko kung gaano mo kamahal ang bansang 'to. Hades wala ka ng ginawa kundi solusyunan ang problema ng bansa mo, hindi mo kasalanan ang lahat ng 'to Hades. Hindi."
Dahan-dahan akong kumalas sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Hades at nakita ko sa mga mata niya ang lungkot, galit, at pagod at naiintindihan ko ang lahat ng 'yon.
"Hades hayaan mo na akong tulungan ka, hayaan mo akong samahan ka. Magtulungan tayong dalawa at kahit hindi mo sabihin sa akin alam kong pagod ka na dahil nakikita ko 'yon at ramdam ko 'yon, please let me help you," I said, and I closed my eyes when his lip touched mine.
BINABASA MO ANG
Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]
Storie d'amoreTHRONE SERIES #3 On the King's side, the throne has been set aside for his Queen. His Sod's Queen. *** Kyleigh Rian Manresa is a high school student who plans to major in Civil Engineering. She aspires to construct solid and strong structures for he...