Chapter 29

22 3 0
                                    



"I'm terrified of rejection."



Minsan hindi ko maiwasan na magplano kung paano ako makakatakas sa palasyong 'to. I mean, seriously, gusto ko na talagang makawala dito pero sumasagi rin sa isip ko na isa akong reyna at imposibleng makatakas ako dahil for sure buong Scotland ang hahanap sa akin.




Pero ang main goal ko talaga ay ang makatakas sa bwisit na si Hades. Wala siyang ginawa kundi ang guluhin ang buong sistema ko at hindi ko alam kung okay pa ba ako.



"Ano ba Hades! Bakit bigla ka na lang nanghahatak. Can't you see? I am talking to Mierre. Ang bastos lang nang ginawa mo sa totoo lang. Pwede mo namang kausapin nang maayos yung tao." Singhal ko sa kanya nang makarating kami sa hindi ko alam na parte ng palasyo.




"What is your problem? At bakit tayo nandito? Dapat nasa dining room tayo para kumain ng lunch. Nagugutom na ako sa totoo lang Hades," saad ko sa kanya pero nanatili pa rin siyang nakatingin sa akin. Ano ba talagang problema ng lalaking 'to?




"Ano wala kang sasabihin? Tititigan mo lang ako? If you're going to stare at me, puwes wala akong balak makipagtitigan sayo. You are just wasting my time," saad ko sa kanya at humalukipkip.



"Are you aware?" Kumunot naman ang noo ko sa tanong ni Hades. Ano ba ang pinagsasabi ng lalaking 'to? Nasisiraan na ba siya ng bait?



"Aware of what?" I asked.



"Aware to me. Aware of everything," he said while looking into my eyes. Aware of him?



"Mala showbiz ang tanungan mo and I don't get you. And can we just postpone this kind of conversation because I am starving at nagwawala na yung mga dinosaur ko sa tiyan. So let's go?" I said.



"Yeah, we will go, but that doesn't mean we are done." He said.



"Ano bang gusto mo? Sagutin ko ang malabo mong tanong?"



"Meet me on your favourite balcony at eight in the evening. I'll wait for you there," saad ni Hades na nakapagpataas ng kilay ko. Alas-otso nang gabi? At ano naman ang gagawin namin sa mga oras na yun?



"At ano naman ang gagawin natin sa balcony? Sisinghot ng maraming hangin? Mangangarap sa ilalim ng bituin at buwan?"



Sa dami ng tanong ko sa kanya lahat yun ay wala ni isang sagot. He just kept staring at me at nagtagal yun ng mga ilang minuto, until he said...


"I will wait for you, Kyleigh."




"How's your day, my beautiful queen?"



"Okay lang ito maganda pa rin," saad ko kay Jane at tinaasan lamang niya ako ng kilay.



"Gaga yung totoo, kumusta ang araw mo? Hindi na kasi kita nasamahan mag almusal kanina kasi maaga akong pumasok, may group activity kasi kaming dapat tapusin at ipasa," saad ni Jane pero ngumiti lamang ako sa kanya at umiling.


Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon