His King
Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog ko at agad akong napabalikwas nang makita kong nasa kwarto na ako. Teka bakit ako nandito? Hindi ba dapat nasa chamber ako kasama si Hades.
Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakahiga at tiningnan ang orasan na nasa gilid nang pinto at napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko nang makita ko ang oras. Alas-sais na pala ng gabi, ganon ba kahimbing ang pagtulog ko at hindi ko naramdaman na nailipat na ako ng kwarto.
Agad kong inayos ang sarili ko para lumabas ng kwarto at para matulungan rin ang iba kung sakaling may ginagawa lalo pa at bored ako ngayon.
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko na si Dory na nakatayo at mukhang iniintay akong magising. Ilang oras na kaya siyang nag-iintay sa akin?
"Magandang gabi po Queen Kyleigh," bati niya sa akin at yumukod sa harapan ko at tumango lamang ako sa kanya.
"Kanina ka pa ba nag-iintay?" Tanong ko at nagsimula nang maglakad.
"Hindi naman po Queen Kyleigh, mga ilang minuto lang po bago kayo magising," saad ni Dory at nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko talaga nag-intay siya sa akin ng mahigit isang oras kawawa naman si Dory.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa dining room ngunit habang naglalakad ako ay pansin ko ang mga tao na nakangiti sa akin habang yumuyukod. Well, wala namang masama kung ngingitian nila ako mas gusto ko pa nga 'yon eh kaso iba kasi ang ipinaparating nila sa kanilang mga ngiti.
Pinilit ko na lamang na suklian ang kanilang mga ngiti kahit na nalilito ako. I don't have any single idea why they're suddenly like this. May okasyon ba?
Kahit si Dory ay nakangiti rin sa akin. May gaganapin bang pagdiriwang kaya masaya ang mga tao ngayon? At nasaan ba si Jane nakauwi na kaya 'yon? Himala at hindi niya ako pinuntahan sa kwarto ko.
Maya-maya pa ay nakarating ako sa dining room at agad naman silang yumukod sa akin maging si Jensen na may ngiti rin sa labi. Nakita doon si Hades na nakatingin sa akin kaya agad akong lumapit sa kanya para tabihan siya.
"How's your sleep?" Tanong niya sa akin habang isa-isang nilalapag ng mga katulong ang pagkain sa lamesa. Grabe ang dami naman yatang pagkain ngayon. Mukhang may event nga.
"Okay lang. Ikaw nakatulog ka ba?" Tanong ko sa kanya at agad naman s'yang tumango. Akala ko hindi siya natulog.
"Teka Hades, bakit parang ang dami naman atang pagkain ngayon. May okasyon ba?" Tanong ko habang isa-isang tinitingnan ang mga pagkain sa lamesa. Oh gosh ang sasarap nila lalo na yung malaking grilled beef.
BINABASA MO ANG
Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]
RomanceTHRONE SERIES #3 On the King's side, the throne has been set aside for his Queen. His Sod's Queen. *** Kyleigh Rian Manresa is a high school student who plans to major in Civil Engineering. She aspires to construct solid and strong structures for he...