Chapter 12

33 6 0
                                    



"I solemnly vow that I will love you for the rest of my life."





"Ky' omg! Bakit hindi ka pa nakabihis? Baka nakakalimutan mo ngayon ang kasal niyo ni Hades," saad sa akin ni Jane.



Actually kagigising ko pa lang at wala pa akong balak na mag-ayos. Masyado pang maaga para mag-ayos lalo pa at inaantok pa ako.



"Mamaya na Jane tinatamad pa ako at tsaka may warm water ba diyan? Nilalamig na ako eh," saad ko at kumuha naman siya ng maligamgam na tubig at mabilis ko naman itong inihilamos sa aking pisngi.



"Grabe ang sarap ng tulog ko," saad ni Jane at nahiga sa kama at nag-unat.



Bagong ligo ang gaga at naka-bathrobe pa. Hindi naman siya siguro excited diba?



"My god! Sobrang exited na ako sa kasal niyo ni Hades. Buti na lang ako ang maid of honor mo tapos si Hailey ang flower girl," saad ni Jane at tamad lamang akong tumango.



Habang busy kami ni Jane mag-kwentuhan na tahimik na lamang kami ng bigla na lamang pumasok si Hades sa hotel room namin na naka-bathrobe.



Tang ina? Anong ginagawa ni Hades dito at bakit ganyan ang ayos niya?



"Ay ang aga naman ng honeymoon," saad ni Jane at mabilis ko naman siyang sinamaan ng tingin. Gagang 'to. Anong honeymoon, walang mangyayaring ganon!



"The ceremony will get underway at ten in the morning. You have four hours to get ready, and Sirena will help," saad ni Hades at tumango na lamang ako sa kaniya.



Ganun ba talaga kahalaga ang oras sa kaniya at ganyan na lang siya makapag remind sa akin? Duh! Alam ko naman ang gagawin ko no!



Lumabas na si Hades sa kwarto sa hotel room namin at naiwan na lamang kami dito ni Jane na nakatingin sa isa't isa at maya-maya pa ay dumating na si Sirena kasama ang mga staff niya para ayusan kami.



"Make sure the bride's hair is lovely and well-groomed, Cecile," sabi ni Sirena sa babaeng nag-aayos ng buhok ko.



Inaayusan na kami ngayon ng mga staff ni Sirena para sa wedding. Si Jane naman ay tapos na at nag re-retouch na lang habang si Sirena ay naka-ayos na rin at binabantayan ang kaniyang mga staff.



Hindi ko maiwasang hindi pagpawisan ang mga kamay ko dahil sa kaba. Normal lang naman ang kabahan lalo na at isa 'tong big event. Gusto kong umatras pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. Aatras man ako pero saan naman ako pupunta?



Napatingin ako sa pinto ng makita ko itong bumukas at nakita ko doon si Queen Ayisha at Hailey na nakabihis na rin. Ang ganda talaga ng lahi nila.



Tumigil sa pag-aayos ang mga staff at sabay-sabay na yumukod kay Queen Ayisha at ganon din ang aking ginawa.


Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon