Chapter 10

45 6 0
                                    



"Wala po siyang sinabi Ma'am Kyleigh kung anong oras po siya darating basta sabi po ni Prince Hades dito lang po kayo sa living room at intayin siya," saad ni Dory sa akin at tumango na lamang ako.




Nandito kami ngayon sa mansyon nila Hades at sinundo lang ako ng isa sa mga drivers nila and I don't know where he is. Dumating na lang kami dito ni Jane na wala si Hades at si Dory ang nag-asikaso sa amin.



"Ky' ang ganda naman ng bahay ng mapapangasawa mo. Ang yaman talaga," bulong sa akin ni Jane.




Ganyan na ganyan din ang reaksyon ko ng makita ko ang bahay nila Hades actually this is not a house, it's a mansion!




"Panigurado sa laki ng bahay na ito may makikita tayong mga bagay-bagay na hindi pa natin nakikita," saad ni Jane at napatango na lang ako sa kanya.




Nawawalan na ako ng gana in short bored na bored na ako dito. Bakit kasi ang tagal ni Hades? Almost one hour na kaming nag-iintay sa kaniya. Na saan ba talaga ang lalaking 'yon?




While we were waiting for Hades, Dory gave us some drinks to ease the boredom at para hindi kami mainip kakaintay kay Hades.



For minutes, Hades arrived with Princess Sirena, our wedding planner.



"We apologize for keeping you waiting. We had an important meeting to discuss," saad ni Sirena at tumango na lamang ako sa kaniya.



Sirena and her staff prepare the gowns habang kami ni Hades ay nanatiling nakatingin sa isa't isa. Himala at nakatagal ako sa mga mata niya.






Grabe naman kasi makapag madali ang lalaking ito.




Earlier in the morning, I received a text message from him saying that I should be here before 10 am. Pero pagdating ko dito wala pa siya and it's already 1 in the afternoon.




"Did you eat lunch?" He asked, but I just rolled my eyes at him. Lunch? Sa tingin mo may gana pa akong kumain?





"The gowns are already prepared, and we just have to wait for the others. Hiwalay ang girls sa boys, Hades," saad ni Sirena sabay tingin sa lalaking nasa harapan ko.




"Tch," 'yan lang ang sagot ni Hades sabay upo sa tabi ko.




"Ky' naiihi ako kanina ko pa ito tinitiis," saad ni Jane at inilibot ko naman ang mga mata ko look for some helpers to assist her.




Tumayo ako at lumapit sa isang tagapaglingkod para samahan si Jane sa banyo at bumalik na rin sa puwesto ko.




Kailangan na naman ulit namin mag-intay kasi pa VIP ang iba. Kailangan nga kami ang iniintay kasi kami ang ikakasal but what the fuck is this? Ang ikakasal pa ang pinag-iintay.




Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon