Chapter 35

21 2 0
                                    




"Engineer may bagong project na natanggap si Architect Guzman for sure ikaw na naman ang head engineer," bungad sa akin ni Michelle ng maka-upo ako sa aking cubicle.




"Talaga? Mukhang maganda ngang project yan para sa KANYA pero para sa akin HINDI," saad ko at pa-irap na humarap sa aking computer.




"Grabe ka naman Kyleigh buti ka pa nga at malalaking project ang natatanggap mo kumpara sa amin na small project lang," saad nya at napabuntong hininga na lang ako.




"Michelle swerte nga kayo at small project ang natatanggap nyo at gamay na gamay nyo, eh sa akin? Jusko, halos patayin ko na lahat ng mga tao sa site dahil sa mga kapalpakan nila at dahil doon ako ang nasisisi," sabi ko at nagtipa na sa aking computer.



"Pero ma-iba tayo Kyleigh, alam mo na bang may pa-party mamaya si Ria? Lahat kasi tayo ay invited, sasama ka ba?" Tanong nya.




"Hindi ko alam kung makakasama ako, may pupuntahan daw kasi kami ni Mierre after ng work ko," sabi ko sa kanya at nakita ko naman ang dahan-dahan niyang pagtango habang may nakakalokong ngiti.




"In fairness d'yan sa jowa mo ah sobrang pogi. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay ang mga officemate natin d'yan kay Mierre mo tuwing nagpupunta dito. Ano bang trabaho n'yan ni Mierre at ang lakas maka mafia boss," saad niya at napailing na lang ako.



"Gusto ko rin ng isang Mierre, Kyleigh. Sa tingin mo may mga kamag anak siya or kapatid? For sure meron! Sa ganda ba naman ng lahi nya imposibleng hindi sila magparami ng lahi," saad nya habang nagtataas at nagbababa ang kanyang kilay.




"Hindi ko alam pero sige tatanungin ko mamaya tapos irereto ko agad sayo," sabi ko at eksahedera naman syang pumalakpak at natatawa na lamang ako sa mga kilos nya.



Nag simula na akong mag-trabaho para mas maaga ko itong matapos. Kailangan ko lang naman i-review ang mga project proposal na ibinigay sa akin ni Architect Guzman. Ewan ko ba sa lalaking ito at ako ang napagdidiskitahan pagdating sa mga big project kineme nya. Nakakainis sya.



Isang taon na akong nagta-trabaho sa Accueil Architecture Firms pagkatapos ko kasing magtapos sa La Salle ay agad akong kumaha ng exam para sa lisensya at ng makapasa ay agad akong naghanap ng trabaho kaya napadpad ako sa kompanyang ito. Unang sabak ko pa lang ay grabe na agad ang stress na nasagap ko dito but I have to accept it because its part of my job. Ang ma-stress sa pangit nilang project.



Sa pagkakaalala ko sa isang probinsya ako lumaki at pagkatapos niyon ay pumunta akong maynila para makapag-aral at dahil doon ay nakapagtapos ako ng pag-aaral.



Si Mierre ang kasa-kasama ko habang nag-aaral ako pakiramdam ko kasi ng mga panahon iyon ay bago pa ang lahat sa akin, na para bang bago akong laya sa kulungan.



Pero may isang bagay na sinabi sa akin si Mierre at yun ay may Amnesia ako. Wala akong matandaan na naaksidente ako kaya imposibleng meron akong ganon.



Dumating ang aking lunch break at saktong tumunog ang aking cellphone at bumungad doon ang pangalan ni Mierre at agad naman akong napangiti.



"Hello," bungad ko sa kanya at nag-unat sa aking swivel chair.



"Hi! What time matatapos ang work mo? I just want to say na tuloy ang dinner natin," sabi nya at napakagat naman ako sa aking labi.



Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon