Chapter 22

30 2 0
                                    




"Peya." Mabilis akong napatingin kay Jane ng himasin niya ang kanang pisngi ko at naupo sa harapan ko habang nakangiti.




"Akala ko may pasok ka ngayon." I said and sipped my coffee and looked at her again. Nakaka miss din ang ganitong feeling kung saan kaming dalawa lang ni Jane ang magkasama at nag-uusap dahil kami lang naman ang nagkakaintindihang dalawa.




"Akala ko rin eh," saad niya at sabay naman kaming natawa. She is still the Jane that I used to know at masaya ako dahil hindi siya nagbago sa kabila ng mga nangyayari sa amin ngayon.




"Anong ganap mo ngayon?" I asked as I started to open the book and read.




"Wala pa rin namang nagbabago ganon pa rin naman. Papasok sa school makikipag kompetensya sa mga malalaki ang ulo, uuwi sa palasyo at gagawa ng task at matutulog. Walang bago Ky' dapat nga ako ang magtanong sayo since ikaw ang may malaking role dito." She said, looking at me seriously.




"Ky' hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi ko pa rin makaya ang mga nangyayari. Paano ka naging reyna. Sobrang nalilito ako Ky' hindi sa mababa ang tingin ko sayo pero ordinaryo lang tayong mamamayan kaya paano nangyari ang lahat ng 'to? Hindi kaba nagtataka Ky' paanong ikaw ang napili?" At this moment, I lost all my words. Also, I was still doubting Hades about this. Hindi sapat ang salitang 'gusto' para ako ang piliin niya na maging reyna.




"Hindi ko alam Jane pero alam kong may dahilan si Hades." Yun lamang ang tangi kong nasabi bago ko ipinagpatuloy ang pagbabasa.




"Alam mo Jane ramdam kong babagsak ang bansang 'to dahil sa akin." I said, and I was surprised as I heard his voice from my back.




"No, you are not the reason why this country will fall." Saad niya at mabilis namang tumayo si Jane mula sa pagkakaupo at yinukuan si Hades habang ako ay nananatili pa rin na naka-upo na hanggang ngayon ay may nanlalaki pa rin na mata.




'Kabote ka ba Hades?'




"Tang ina nakakagulat ka naman." I said, and I heard his chuckle. Nakakatawa ba yun?




"Akala ko nasa quarter ka. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at napatingin ako kay Jane na may nakakalokong ngiti. Ano na naman ba ang iniisip ng babaeng 'to.

Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon