Chapter 38

15 2 0
                                    




Maaga akong pumasok ngayong araw na ito para matapos ng maaga ang trabaho ko dahil gusto ko ng mahaba-habang pahinga at makapag-relax. Napansin ko nitong mga nakaraang araw na lagi na akong nawawalan ng malay at lagi na lang sumasakit ang ulo ko. Marahil ay ito ang epekto ng gamot sa akin at sa tulong na rin ni Mierre na makaalala ako. 



Minsan napapaisip rin ako kung kumusta na ang mga taong naiwan ko sa nakaraan? Ano na kaya ang nangyari sa kanila? Naaalala pa kaya nila ako? Alam kaya nila ang kalagayan ko ngayon? Paano kung tuluyan na nila akong nakalimutan? Should I also quit trying to resurrect my long-forgotten memories? 




Huminga ako ng malalim at napailing na lamang. Hindi man nila ako maalala at tuluyan ng nakalimutan kailangan ko pa rin maalala ang lahat dahil sabi nga ni Mierre mahalaga ang aking nakaraan at mahalaga rin yun sa kasalukuyan. 




Tahimik kong binaybay ang kalsada at maayos akong nakarating sa kompanyang pinapasukan ko. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang button papunta sa mismong floor kung na saan ang opisina namin. Ilang segundo pa ay nakarating na rin ako sa floor at bumungad sa akin sila Gerald at Michelle na tutok sa kanilang cellphone at seryosong nag-uusap. 




"Good morning Kyleigh! Kumusta ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba? Grabe ang kaba ko sayong babaita ka!" Bungad sa akin ni Gerald at mabilis ko naman syang binigyan ng mahigpit na yakap.




"Good morning rin, wag ka ng mag-alala okay na ako at pasensya na kayo," saad ko at mabilis naman silang umiling sa sinabi ko.




"Hay naku okay lang iyon! Buti nga at kasama mo kami ng mga oras na iyon, paano na lang kung hindi? Malamang nasa kalsada ka lang at walang nagkukusang tumulong para sayo," saad naman ni Michelle. 




Bumalik ako sa cubicle para linisin ang table ko pati na rin ang mga nagkalat na papel. At habang naglilinis ako ay hindi ko maiwasan na makinig sa usapan nila Gerald at Michelle, sobra talaga nilang daldal. 




Nang makapasok ako sa kompanyang ito bilang intern wala ako masyadong kakilala at takot rin ako makipag-interact sa mga tao marahil ay dahil nga sa amnesia na meron ako at nakakapanibago pa rin ang lahat sa akin. May mga sumusubok na kausapin ako pero hindi tumatagal dahil boring akong kausap at boring rin akong tao ng mga panahon na iyon. 




Ilang buwan rin akong nagtagal bilang intern hanggang sa naging regular employee na ako ng kompanyang ito at mailipat sa opisinang ito. At dahil doon ay mas lalo akong nakaramdam ng hiya dahil ang mga kasamahan ko sa trabaho ay bihasa na sa ganitong field at dahil doon mas lalo akong nahirapang makipag-interact. Pero sa tulong nila Michelle at Gerald ay natuto akong makihalubilo sa mga tao. 




Si Michelle ang unang kumausap sa akin at kahit sya noong una ay nahihirapan akong kausapin pero kinalaunan ay nasanay na rin sya sa akin at si Gerald naman ang tumulong sa akin para makihalubilo sa mga tao at dahil doon ay malaki ang pasasalamat ko at naging mabuti silang kaibigan para sa akin. 




"Grabe sa nakalipas na dalawang taon ngayon pa lang sya baba ng puwesto bilang hari," saad ni Gerald habang ako ay abala pa rin sa pag-aalis ng kalat sa table.




"Pero kahit ganoon at least may malaki syang nagawa sa bansa nya kahit mag-isa lang siya. Isipin mo yun kung hindi namatay ang reyna malamang nakaupo pa rin ang mga corrupt na government official na yan at tsaka ano pang silbi ng pagkakaupo nya bilang hari kung wala namang reyna."




Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon