Chapter 9

33 6 0
                                    



"You're the Queen pero hindi ka reyna sa puso niya."



Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nangagaling sa labas at hindi ko na rin maintindihan kung bakit nakarinig ako ng ganoong salita. May nakaaway ba ako?



"Ky' ang daming tao sa labas! Mga media girl! Hinahanap ka nila mukhang pumutok na ang balita na ikakasal ka sa prinsipe ng Edinburgh," saad ni Jane na mukhang tuwang tuwa pa dahil may mga media sa labas.



Paano kaya kami makakapasok kung may chismoso at chismosa sa labas.



"Kanina pa ba sila sa labas?" Tanong ko habang bumababa sa kama at tinatali ang buhok.



"Oo Ky' kanina pa sila nasa labas humihingi sila ng statement about sa kasal niyo ni Prince Hades," saad ni Jane at tumango na lamang ako. Wala ako sa mood hindi ko alam kung bakit.



Dumiretso na ako sa banyo at nagsimula ng gawin ang morning routine ko. I have two classes today at wag na kayo magtaka kung bakit dalawa na lang dahil aalis na rin naman ako sa bansang 'to kasama si Jane.



Actually, we have two days to prepare for the wedding. O diba ang bilis. Well hindi ko naman sila masisisi kung bakit ganito kabilis. Ikaw kaya makalaban mo ang mga politiko ano kaya mangyayari sayo.



Sinabi naman na sa akin ni Queen Ayisha na once na maipasa na niya ang korona sa akin bilang reyna ng Edinburgh doon na mag-uumpisa ang pagiging reyna ko at dito ko na rin mararamdaman ang hirap kasama si Hades.



Actually, ang gagawin ko lang naman doon ay pag-aralan ang tungkol sa bansa at depensahan ang pag-aari namin. Alam ng mga politiko na bumababa ang ekonomiya ng Schwerin at alam na nilang ililipat ang korona kay Hades dahil pagtutuunan na ng pansin nila Queen Ayisha at King Lance ang Schwerin at sa oras na koronahan si Hades bilang hari doon na kikilos ang mga politiko.



Iba talaga ang nagagawa ng kapangyarihan sa isang tao wala silang pakielam kung may mag-hirap ang mahalaga sa kanila ay yaman at kasiyahan.



Natapos ang paliligo ko at nagbihis na ako ng uniform ko. Nakahanda na rin si Jane kaso ang problema namin ay ang mga media sa labas. Paano naman sila tatakasan?



"Daan na lang kaya tayo sa bubong?" Suhestiyon na ikinalaki ng mata ni Jane.



Actually, may daanan sa bubong kung saan doon kami tumatambay ni Jane at umiinom, stress reliever kumbaga. Stress ang STEM na strand pero mas-stress itong nangyayari sa akin ngayon.



"Baliw ka ba? Naka skirt tayo tapos sa bubong tayo dadaan," saad niya.



"Kaysa naman tumakbo tayo ng naka skirt at tsaka wala namang makakakita sa atin. Tayo kaya ang nasa tuktok," saad ko sa kaniya.



Sumilip kami sa bintana at ang dami ngang media yung iba nagrereport at ang iba pinipicturan ang dormitory.



Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon