WARNING: The words that will be used in this chapter, including the oath, are all pure fabrication. I apologize for the poor grammar and the lack of euphemism in this story.
Once more, this is pure fiction and not a serious matter.
__________
"Anong oras ka ba natulog kagabi?" Tanong sa akin ni Jane na busy sa pag-aayos ng sarili.
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Pumikit lang ako at pagdilat ko ay umaga na at lahat ay naghahanda na para sa royal coronation habang ako ay nakahiga pa rin.
"Ayaw ko ngang umattend sa koronasyon na 'yan kasi inaantok pa ako," saad ko at nag-inat sabay talukbong ng kumot.
"Baliw ka ba? Tumayo ka na nga dyan be professional naman magiging reyna ka na today tapos ganyan ka pa rin? Marami ng tao sa labas na nag-iintay sayo, tumayo ka na dyan at maghanda na," saad ni Jane sa akin na ikinairap ko na lamang.
Masyado pa kayang maaga. It's only 7 in the morning at hindi pa nga ako nakakapag-almusal pero kung makapag asikaso ang lahat eh parang tanghali na.
Hindi ko naman kaylangan madaliin ang lahat hindi pa kaya ako ready. Napatingin ako kay Jane na tapos na sa pag-aayos at nakasuot na siya ngayon ng dress at may hat pa na nakalagay sa ibabaw ng kaniyang ulo.
"Ang ganda talaga ng damit na ito," saad ni Jane at napabuntong hininga na lamang ako at napangiwi.
Natigil kami sa aming ginagawa ng makarinig kami ng katok mula sa pintuan ng aming kwarto at bumungad sa amin si Sirena at ibang tauhan sa mga palasyo.
"Hindi pa po siya nakaayos," saad ni Jane at tumango naman si Sirena sa kaniya at lumapit sa akin.
"You barely have two hours to get ready. The royal coronation will take place in Paisley Abbey and begin at ten in the morning.Have you prepared?" Napakagat ako sa aking ibabang labi at marahang tumango kahit ang totoo hindi pa ako handa.
Pumasok na ako sa banyo at napahanga na lang ako sa ganda nito. Ang linis ng bathtub and everything in the bathroom has a touch of gold, which represents riches.
Natapos akong maligo at lumabas na ako sa banyo at napanganga na lamang ako ng makita ko ang isusuot kong damit. Tang ina feeling ko sobrang bigat niyan well talagang sobrang bigat ng damit na 'yan.
"This is the apparel that you will use for your royal coronation," saad ni Sirena at nakailang kurap pa ako bago mag sink-in sa utak ko ang lahat.
"Ito? Itong damit na ito?" Tanong ko at agad naman siyang tumango na may magandang ngiti. Amputa ang bigat nito.
This looks like the clothes that Queen Elizabeth II used in her coronation. However, it is quite different from Queen Elizabeth II's attire. It's more elegant.
BINABASA MO ANG
Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]
RomanceTHRONE SERIES #3 On the King's side, the throne has been set aside for his Queen. His Sod's Queen. *** Kyleigh Rian Manresa is a high school student who plans to major in Civil Engineering. She aspires to construct solid and strong structures for he...