Chapter 36

21 2 0
                                    



Maraming tao ang nasa labas ng palasyo at lahat sila ay nakatingin sa akin, lahat sila ay mga nakangiti sa akin at lahat sila ay may mga isinisigaw ngunit wala akong marinig, wala akong marinig na kahit anong ingay pero base sa kanilang pagbuka ng bibig alam kong may sinasabi sila at isinisigaw.



Iginala ko ang aking mga mata, may mga taong umiiyak na hindi ko alam ang dahilan, may mga taong labis kung magdiwang, at marami rin mga guwardiya na nakakalat sa labas ng palasyo. Ano ang mga ito?



Natigil ang aking katanungan ng may makita akong pares ng sapatos sa aking gilid at dahan dahan kong inangat ang aking tingin sa lalaking nasa tabi ko pero mas lalong nangunot ang aking noo ng mapagtantong malabo ang mukha nito. Hindi klarado at blurred. Sino ba ang lalaking ito at bakit may korona sya sa kanyang ulo? At ano ba ang lugar na ito? Bakit ako naririto?



Agad akong napatingin sa lalaking hindi ko kilala ng hawakan nya ang aking kamay. Ano ba ang nangyayari? Na saan si Mierre?



Muli kong iginala ang aking mga mata at sa hindi malamang dahilan ay naramdaman ko ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. Bakit ako umiiyak? Bakit?



"Long live the Queen and King!"




Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga at mabilis na lumapit sa akin si Mierre at mahigpit akong niyakap pero nanatili akong tulala. Its just a dream, right? But why do I feel like its real?




Kinakausap ako ni Mierre pero nanatili akong tikom at tulala at inaalala pa rin ang aking panaginip. Ano ang mga iyon? Bakit bigla na lamang lumabas sa aking isipan?




"Kyleigh, do you hear me?" Tanong sa akin ni Mierre at dahan dahan akong humarap sa kanya na may nagtatanong at nalilitong mga mata.




"Ano ang mga iyon?" Tanong ko sa kanya at nakita ko ang pagkalito sa kanyang mga mata marahil ay wala syang alam tungkol sa aking tanong.




"Ano iyong napanaginipan ko? Bakit may palasyo? Bakit may korona? Sino yung lalaking nasa tabi ko? Panaginip iyon Mierre pero bakit pakiramdam ko totoo ang lahat," saad ko at agad nya akong niyakap ng mahigpit.




"Magpahinga ka muna," saad nya at dahil sa kagustuhan rin ng aking katawan na magpahinga ay agad ko iyong ginawa.





Nagising na lamang ako ng pakainin ako ni Mierre. Sabi sa akin ni Mierre ay nahimatay ako sa restaurant dahil sa sakit ng ulo kaya ako nandito ngayon sa hospital. Hindi na ako muli pa nag-usisa at hinayaan na lamang sya.




Lumabas saglit si Mierre para bayaran ang bill ng aking hospital at para kausapin na rin ang doctor habang ako ay nandito sa loob ng kuwarto at naka-upo sa kama at tulala at iniisip pa rin ang panaginip ko.




Dapat ay hindi ko na iniisip ang bagay na iyon pero ang lakas ng epekto nya sa utak ko na pati ang puso ko ay sumabay na rin sa epekto na dinulot nito. Para tuloy akong bata na nakapanaginip ng fairy tale at iniisip na totoo ito. Siguro nga ay ganoon lamang iyon.




Siguro nga ay imposibleng maging totoo ang lahat ng iyon. Walang ganoon sa mundo. At hindi na rin ako bata para isiping totoo ang mga napanginipan ko. Ang panaginip ko ay mananatili lamang na panaginip sa aking isipan.




Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon