"Dad and Mom. I'd like for you to meet my wife."
Tang ina ano daw?! WIFE!? Hayop! Katapusan na ba ng mundo?!
Hindi ko alam kung anong nakain ng lalaking ito at bigla bigla na lang ako ipapakilala na asawa niya sa harap ng mga magulang niya. Dati ba siyang gago?
Kinain niya ba yung egg burger na madumi kaya nababaliw na ang mamayan ng Pilipinas na ito? Buti na lang at hindi ko kinain yun kundi baliw na ako ngayon katulad ng nasa harapan ko ngayon.
Sige nga isipin niyo kakakilala niyo pa lang tapos asawa ka na niya agad o diba baliw lang. I can't believe this hindi ko alam kung paano kami napunta agad sa stage na ito like wtf? Nakabanggaan ko lang asawa ko na agad? Asawa na niya agad ako?
"Ahm excuse me lang po ha. Hindi ko po kasi maintindihan kung anong nangyayari dito? Isa lamang po akong simpleng mamamayan ng Pilipinas para pumasok sa ganitong joke," saad ko sa kanila at sinamaan ang lalaking nasa gilid ko.
Ang gulo! Ang gulo-gulo hindi ko alam kung bakit ganito nangyayari sa buhay ko. Sa susunod mag-iingat na talaga ako para hindi humantong sa asawahan ang lahat.
"Kami rin iha we don't know what is happening, but I already understand everything. My son introduced you as his wife." saad ng babae na nanay ng lalaking nakabanggaan ko.
His son introduce me as his wife. Great! Great talaga! Ano yun chandelier?
"Hindi pala ako na inform na may asawa na pala ako sa edad kong 17," bulong ko sa sarili ko.
Kailan ba ako kinasal? Hindi ko na matandaan kung kinasal ba talaga ako nagka-amnesia ba ako at lahat na nangyari sa buhay ko ay nawala na at hindi ko na maalala.
"By the way, I'm Queen Ayisha Marchand. You can call me mom, anything that you want kung saan ka komportable," saad ni Queen Ayisha
So it's a true nga? Reyna siya?! OMG! Ang ganda niya so siya pala ang asawa ng may-ari ng school na pinapasukan ko which is the RMS stand for Royal Marchand University. Shocks.
"King Lance Marchand here. You may also refer to me as Dad or whatever else that makes you feel at ease," saad ni King Lance at tumango na lamang ako.
Hindi ako makapagsalita ang ganda ng lahi nila. Pwede po ba magpalahi kahit sino sa mga anak niyo wag lang dito sa baliw na ito baka maging baliw rin mga anak ko.
"Nice to meet you po King and Queen Marchand kaso po hindi ko po talaga ma-gets kung bakit naging asawa po ako ng ANAK niyo. Ni hindi ko pa nga siya nakikilala ng lubusan tapos asawa ko na agad. Wow magic!" Sabi ko at inirapan naman ako ng baliw na ito.
"Yeah hindi mo pa siya nakikilala ng lubusan, hindi niyo pa nakikilala ng lubusan ang isa't isa pero nararamdaman ko na you will be a great queen for him," saad ni Queen Ayisha.
Nabasa mo yun? Great queen daw? Hindi ko pinangarap maging reyna at kahit kailan hindi ko inisip ang bagay na iyan. Para saan pala ang pagkuha ko ng strand na STEM kung ang bagsak ko lang naman pala ay pagiging reyna.
BINABASA MO ANG
Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]
RomanceTHRONE SERIES #3 On the King's side, the throne has been set aside for his Queen. His Sod's Queen. *** Kyleigh Rian Manresa is a high school student who plans to major in Civil Engineering. She aspires to construct solid and strong structures for he...