Chapter 21

27 2 0
                                    




"Shit ang sakit ng puson ko."



Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto kasama si Jane na busy sa kanyang libro habang ako ay namimilipit sa sakit. Bakit ngayon pa.



"Maglagay ka ng warm water tapos ilagay mo sa puson mo," saad ni Jane habang nagsasagot sa libro niya.



To be honest, naiingit ako kay Jane dahil nag-aaral siya at maaabot niya ang gusto niya sa buhay pero ako nag-aaral naman ako pero hindi nga lang katulad nang kay Jane. Nakikita niyo naman na malabo na maging isa akong engineer sa lagay ko ngayon.




"Nagugutom nga ako eh kaso tinatamad akong tumayo feeling ko kasi kapag tumayo ako may tagos ako," saad ko habang sapo ko ang aking puson.




'Ayaw ko talagang nagkakaroon ng menstruation na 'yan!'




Napabuntong hininga na lamang ako at kumuha na lamang ng librong babasahin para doon ko na lamang ituon ang pansin ko at para hindi ko na problemahin 'tong puson ko na nagsusumigaw sa kirot.



"Ay Ky! Oo nga pala. Hindi ba kahapon kayo kumuha ng pera ni Hades? Anong nangyari kahapon? Anong balita? Saan kayo kumuha ng pera? Maganda ba 'yang Achetes' house na 'yan?" Tanong ni Jane na nakapagpatahimik sa akin.




I remained silent as I tried to remember everything. As in lahat-lahat at para bang gusto ko na lang na magka-amnesia para makalimutan na lang iyon. Para bang gusto kong gumawa ng isang operasyon at iyon ay Operation: Layuan si Hades at ang issue ay masya siyang mabilis at hindi ko na siya kinakaya.




Iba na kasi ang nararamdaman ko para sa kanya hindi na 'yong katulad dati na kung saan ayaw ko sa kanya, yung kinakaya kaya ko lang siya. Nag-iba na simula nang tumagal ako sa tabi niya.




Alam ko na hindi ganon katagal na magkasama kami pero nag-iba na ang lahat ng marinig ko ang makakahulugan niyang salita, nag-iba na ang lahat nang maramdaman ko ang bisig niya at nag-iba na ang lahat ng sabihin niyang gusto niya ako...





"Hoy Ky! Ano na? Tinatanong kita. Ano nangyari sa lakad niyo kahapon?"




"Maayos naman at tsaka maganda ang Achetes' house actually parang hindi nga siya mukhanh bahay, mukha siyang mansyon at akuha naman namin 'yong pera pero nagdadalawang isip pa nga ako kung kukunin namin iyong pera eh," saad ko at bumuntong hininga.





"Bakit naman?" Tanong niya. 




"Syempre natatakot ako na baka mawala 'yong pera o magkulang. Alam mo naman na hindi pa ako nakakahawak ng ganong kalaking pera kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko doon. Lalo pa at baka pagbintangan ako," saad ko.


Queen of the Sod (Throne Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon